Siga

May baril at palakad-lakad, sa presinto kinaladkad

Edd Reyes Jun 18, 2025
16 Views

Siga1HULI sa pagdadala ng baril ng pulisya ang 24-anyos na obrerong nagsisiga-sigaan matapos isumbong ng kanyang ka-lugar Miyerkules ng madaling araw sa Caloocan City.

Nagpapatrulya ang mga tauhan ng Cadena De Amor Police Sub-Station 11 sa Brgy. 175, Camarin nang lapitan ng isang residente sa Sitio Matarik dakong alas-12:30 ng madaling araw at isinumbong ang pabalik-balik na paglalakad ng suspek habang may bitbit na baril.

Nang magtungo sa naturang lugar ang mga pulis, inabutan pa nila ang suspek na na palakad-lakad habang may hawak na armas kaya’t maingat nilang nilapitan at tinanong kung may dokumento ang hawak nab aril.

Dahil walang maiprisintang legal na dokumento ang suspek na si alyas Junior, inaresto siya ng mga pulis at kinumpiska ang hawak na kalibre .38 revolver na kargado ng dalawang bala.

Ayon kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Josefino Ligan, sasampahan nila ng kasong paglabag sa the Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang suspek sa piskalya ng Caloocan City.