Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Boga

May boga, nagwala, nagbasag, nasilo ng parak

Edd Reyes Jan 31, 2025
81 Views

BogaARESTADO ang isang trabahador sa fish port ng magwala at magbasag ng mga bote habang may hawak na cal. 45 noong Biyernes sa Navotas City.

Hindi pa makausap ng matino ng mga tauhan ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang suspek na si alyas Melvin, 33, ng tanungin ng dahilan ng kanyang pagwawala dakong alas-4:00 ng umaga sa Road 10, Pescador Dos, Brgy. Bangkulasi.

Nagpapatrulya ang mga tauhan ng North Bay Boulevard Police Sub-Station 3 nang maispatan ang suspek habang nambabato at nagbabasag ng bote habang armado ng baril.

Parang wala sa katinuan si alyas Melvin habang naghahamon ng suntukan kaya’t dito na siya nilapitan ng mga pulis upang pahupain ang pagwawala.

Hindi naman nakapalag na ang suspek nang agawin ng pulis ang hawak niyang hindi lisensiyadong kalibre .45 baril na may dalawang bala sa magazine hanggang sa dalhin na siya sa presinto.

Mga kasong alarm and scandal at paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition in relation to Omnibus Election Code ang isasampa ng pulisya laban sa suspek sa Navotas City Prosecutor’s Office.