Suspek

May boga namamasyal, arestado

Edd Reyes May 11, 2025
23 Views

ShotgunHULI sa mga pulis ang pagala-gala ang 25-anyos na obrero habang bitbit ang paltik na shotgun noong Linggo sa Malabon City.

Nagresponde ang mga tauhan ni Malabon Police Chief P/Col. Jay Baybayan nang matanggap ang tawag ng Barangay Intelligence Network (BIN) na armado daw ang suspek na si alyas Lemuel ng dumayo sa Sitio Gulayan, Brgy. Catmon dakong ala-1:40 ng madaling araw.

Nadakip si alyas Lemuel habang bitbit ang paltok na shotgun na kargado ng bala ng 12-gauge ammunition.

Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek kung ano ang motibo niya sa pagdayo sa lugar para gumala na armado ng baril.

Hinala ng mga pulis na may hina-hunting na kaaway sa naturang barangay ang suspek.

Kasong paglabag sa RA 10501 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at BP 881 (Omnibus Election Code) ang isasampa ng pulisya laban sa suspek sa Malabon City Prosecutor’s Office.