Calendar

May boga sabit sa gulo, nasilo
INARESTO ng mga pulis ang 29-anyos na lalaki dahil sa pagdadala ng baril at masangkot sa gulo noong Biyernes sa Caloocan City.
Nakumpiska ng mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles kay alyas Mar ang hindi lisensyadong kalibre .38 revolver na may dalawang bala dakong alas-2:00 ng madaling araw sa Brgy. 17, Camarin, North Caloocan.
Nahuli ang suspek ng mga pulis na naka-assign sa Cadena De Amor police sub-station 11, ayon sa report.
Nagpulasan ang mga sangkot sa gulo ng dumating ang mga pulis maliban kay alyas Mar na hindi nakatakas ng nakorner ng mga parak.
Kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at Batas Pambansa Blg. 881 (Omnibus Election Code of the Philippines) ang isasampa laban sa suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office.