Calendar

May dalang shabu, baril nahuli
SAN ANTONIO, Nueva Ecija–Dalawa ang naaresto na may pag-iingat na hindi lisensyadong baril at shabu na nagkakahalaga ng P34,280 noong Biyernes sa bayang ito.
Arestado ang 47-anyos na lalaki matapos makuhanan ng homemade cal. 38 revolver, anim na bala at 4.6 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P31,280.
Alas-2:00 nang masilo ang suspek batay sa search warrant para sa paglabag sa Republic Act No. 10591 na ipinalabas ng Gapan City Regional Trial Court.
Sa isa pang operasyon, inaresto ng Science City of Muñoz police ang tricycle driver matapos ang search operation sa kanyang bahay alas-7:40 ng gabi na nagresulta sa pagkakakumpiska ng isang cal. 45 pistol na may anim na bala at shabu na nagkakahalaga ng P3,400.
Kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Illegal possession of firearms and ammunition) at Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang isinampa laban sa dalawang suspek, ayon kay Nueva Ecija cop chief Col. Ferdinand Germino.