Unity Isa si Manila Police District chief P/BGen. Arnold Thomas Ibay sa mga sumama sa unity walk mula sa Finance road patungong Kartilya ng Katipunan sa city hall kasama ang iba’t-ibang sangay ng gobyerno bilang panawagan para sa mapayapang halalan. Kuha ni JonJon Reyes

Mayor Honey dumalo sa unity walk; Yorme absent

Jon-jon Reyes Mar 27, 2025
35 Views

Unity1SUMAMA sa unity walk at peace covenant signing para sa secure, accurate, free at fair na halalan sa Mayo 12 ang buong ticket ni Manila Mayor Honey Lacuna noong Huwebes.

Sa ilalim ng kasunduang ito, nangako ang mga lumagda na sisiguruhin ang seguridad ng bawat Pilipino sa pagboto, malaya sa banta, pananakot o karahasan.

Pangalagaan ang katumpakan ng halalan sa pamamagitan ng tamang pagpapatupad ng mga proseso alinsunod sa batas at regulasyon ng COMELEC.

Ipagdiwang ang kalayaang bumoto nang walang pamimilit o panlilinlang at tiyakin ang patas na pagtrato sa lahat ng kandidato.

Panatilihin ang kapayapaan sa tulong ng komunidad at mga otoridad.

Dumalo sa aktibidad ang mga miyembro at opisyal ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, Commission on Elections, at iba pang opisyal ng gobyerno at simbahan.

Nanawagan sila sa bawat Pilipino—kandidato man o botante—na magkaisa tungo sa isang mapayapa at maayos na halalan sa Mayo 12.