Calendar

Mayor Honey ibibigay sa 255 beneficiaries sariling bahay
INANUNSYO ni Manila Mayor Honey Lacuna na ipagkakaloob na sa 255 na benepisyaryo ang mga bahay sa ilalim ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) kasunod ng pagkakaloob sa 40 pamilya.
Sinabi ng alkalde na ang karagdagang 255 na mabibigyan ng bahay sa Urban Deca Homes dahil sa pakikipagtulungan sa Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) at sa PAG-IBIG Fund.
“Forty units have already been awarded to Manileños and many of whom are teachers and LGU employees.
We have screened and recommended more beneficiaries per our commitment in our MOA with DHSUD and PAG-Ibig Fund,”dagdag ni Lacuna.
Inihayag ng alkalde ang kanyang pinasimulang pabahay dahil maraming mga nangungupahan lamang ang nabigyan niya ng pagkakataong tahakin ang bagong kabanata ng kanilang buhay.
Layunin ng Manila na pagkalooban ang mga Manileño ng “Rent-to-Own” na tirahan at hindi ang habambuhay na pagbabayad ng upa nang sa gayon magkaroon sila ng oportunidad ng may matatawag na sariling tahanan.
Dumalo ang alkalde sa seremonya ng pag-uulat noong Biyernes ng umaga ni DHSUD Secretary Jerry Acuzar, ang chairman ng PAG-Ibig.