Dengue1

Mayor Honey: No dengue outbreak sa Manila

Edd Reyes Feb 18, 2025
21 Views

TINIYAK ni Mayor Honey Lacuna na walang outbreak ng dengue sa Manila para mawala ang pangamba ng publiko.

“Dahil daig ng maagap ang masipag, inatasan ko na po ang Manila Health Department, ang mga barangay officials at ang mga ospital sa Maynila para paigtingin pa ang preventive measures kontra dengue,” pahayag ng alkalde.

Inatasan ng alkalde ang mga opisyal ng Manila Health Department at ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office na magtalaga ng karagdagang anti-mosquito larvae kits sa mga barangay na kakikitaan ng pagtaas ng kaso ng dengue, pati na rin ng pagpapaigting ng misting operations.

“Klarong walang dengue outbreak sa Lungsod ng Maynila, as our case fatality rate stands at just 0.62%, and our attack rate is only 7.18.

An attack rate of 10 to 100 per 10,000 population is considered high, particularly when sustained over time or occurring in a densely populated area,” sabi pa ni Lacuna.

Sa ulat ng MHD, sa 897 na barangay sa Maynila, 25 lang ang nakitaan ng pagdami ng mga kaso ng dengue at karamihan sa mga tinamaan nasa edad 5 hanggang 39.

“Pinakamaraming kaso ng dengue sa District 1, 5, at 6. Apat ang naiulat na namatay at tatlo niyan nakatira sa District 3. Umabot sa 51 na barangay ang kailangang ipa-misting natin as of February 14,” sabi ng alkalde.

Ang total na populasyon ng Manila nasa 1.91 kaya’t kung ibabangga dito ang bilang ng dengue cases sa buong lungsod, malinaw na malayong-malayo ang Manila sa “outbreak” level.

Ipinagbilin din aniya niya sa mga health center personnel, barangay health workers, nutrition scholars at sanitation specialists na kasama dapat sa search-and-destroy kontra lamok ang mga gulong sa ibabaw ng mga bubong at mga lalagyan ng mga halaman.

“Diyan kasi naiipon ang mga tubig ulan at notoryus na pinangingitlugan ang mga dengue-carrying mosquitoes,” sabi ng alkalde.