Just In

Calendar

May 2025
M T W T F S S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
Baseco

Mayor Honey: Ospital sa Baseco maraming binago, bagsak sa DOH standard

Edd Reyes May 2, 2025
22 Views

HINDI pumasa sa panuntunan ng Department of Health (DOH) ang Pres. Corazon Aquino Hospital sa Baseco kaya’t kinailangan muling ayusin bago mabuksan.

Ito ang paliwanag ni Mayor Honey Lacuna makaraang ihayag na maraming kulang at mali sa pagkakagawa ng ospital at parang hindi dumaan sa pagsusuri kaya nasayang lang ang inilaan na pondo sa pagtatayo nito.

“Bilang isang doktor, hindi ko po kayang ipagsapalaran ang kalusugan ng mga Manileño sa isang ospital na hindi pasado sa DOH.

Dapat ligtas, kumpleto, at maayos ang pasilidad bago ito magbukas,” pahayag ni Lacuna na isinapubliko ng kanyang tagapagsalita na si Atty. Princess Abante.

Ilan sa mga nirepaso at inaprubahan ng DOH ang paglalagagy ng sliding doors para sa sa equipment storage, isolation room, at mga ward, pagdagdag ng toilet facilities sa emergency room, male ward at medical ward, pagpapaluwag ng mga kwarto, pagbabawas ng kama sa bawat ward para masunod ang minimum na 7.43 sq.m. kada kama, pagpapalapad ng pintuan (1.2m) para sa operating room (OR), delivery room (DR) at recovery room, pagpapalit ng operating room bilang recovery room at paglilipat ng delivery room.

Ginawa rin ang pagbuo ng mga bagong bahagi tulad ng central sterilization room, dietary room at storage rooms, paglalagay ng mga lababo sa ultrasound room, OB-Gyne, ER, Radiology at iba’t-ibang ward, pag-alis at paglipat ng mga pader, nurse station at existing toilets sa iba’t ibang bahagi ng ospital, at pagsasaayos ng OPD Records Room, Central Laboratory, at pagkakabit ng canopy sa OPD entrance.

“Halos baguhin na po natin ang buong floor plan ng ospital para lang matiyak na ligtas, kumpleto at pasado ito sa lahat ng pamantayan ng DOH,” sabi pa ng alkalde.

Naglaan ang lokal na pamahalaan ng P50 milyon na hindi galing sa utang upang tustusan ang pagsasaayos ng ospital upang maging akma, ligtas at may kalidad.