Calendar
Mayor Honey: Violence has no place in a civil society
KINONDENA ni Mayor Honey Lacuna ang pagpaslang sa dating barangay chairman at 3rd nominee ng Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Party-list na si Leninsky Bacud.
“The City of Manila stands with those who have served our people.
I assure the Bacud family and all Manileños that we will do everything in our power to bring all those responsible to justice,” pahayag ng alkalde.
Inatasan ni Lacuna si Manila Police District (MPD) Director P/BGen. Benigno Guzman na pangunahan ang imbestigasyon sa karumal-dumal na krimen.
Iniutos din ni Lacuna na iparating sa kanyang tanggapan at sa Commission on Election (Comelec) ang mga makakalap na impormasyon at bigyan ng garantiya ang mga testigo at pamilya ng napaslang na walang mangyayaring masama sa kanila.
“Violence must have no place in a civil society. This assassination does not represent who Manileños are, nor does it define the city of Manila,” sabi ng alkalde.
Nagbigay din ng direktiba si Lacuna kay DILG Manila Director John Visca at sa Manila Peace and Order Council na maglabas ng memorandum sa lahat ng barangay na nag-aatas na paigtingin ang kanilang kampanya sa katahimikan at kaayusan ngayong panahon ng halalan.
Nais din ng alkalde na magbigay ng ulat sa kanya ang DILG kung may kakulangan at hindi pagsunod sa direktiba ang mga barangay at irekomenda kung kailangang patawan ng parusa.