Calendar
Mayor Joy nais muling pagsilbihan ‘Batang Gapan’
LUNGSOD NG GAPAN–Desidido ang kasalukuyang alkalde ng siyudad na ito na ipagpatuloy ang serbisyo kaya idineklara niya na sasabak siya uli sa halalan sa Mayo 2025.
Mahigit isang buwan bago ang filing ng certificate of candidacy (COC), walang kyeme na idineklara ni Mayor Joy Pascual na handa siya muling makipag bardagulan sa pulitika para sa kanyang mga mahal na constituents.
Ayon kay Mayor Pascual, masaya siyang muling pagsilbihan ang mga “Batang Gapan” kaya muli niyang inaalok ang kanyang serbisyo sa mamamayan.
Hindi niya iniintindi kung may kalaban siya o wala sa halalan basta para sa kanya ang misyon niya “makapagsilbi ng todo-todo sa sa abot nang kanyang makakaya.”
Kinumpirma ni Mayor Joy, nakababatang kapatid ni Nueva Ecija 4th district Rep. Emerson “Emeng” Pascual, na mananatili sa puwesto ang kanyang Kuya Emeng.
Muling tatakbong kongresista ang kanyang Kuya Emeng taliwas sa mga marites na gobernador ang target niya sa 2025.