Lacuna

Mayor Lacuna nakiisa sa pagdiriwang sa pagkahirang kay Pope Leo XIV

Edd Reyes May 9, 2025
13 Views

NAKIISA si Manila Mayor Honey Lacuna sa Archdiocese of Manila sa pagtanggap at pagdiriwang sa pagkakahirang kay Pope Leo XIV bilang bagong Papa.

“As a Catholic, a Thomasian, and the mayor of the Philippines’ capital, I add my voice to those of millions of Filipino Catholics rejoicing in the election of Pope Leo XIV. Ang pagkakahirang sa bagong Santo Papa nagbibigay ng panibagong pag-asa at lakas sa ating pananampalataya. Nawa’y magsilbing gabay ito sa atin na laging piliin ang kabutihan at tuwinang iwaksi ang kasamaan sa ating pang-araw-araw na buhay,” sabi ng alkalde.

Dagdag pa ng alkalde na sa kabila ng kaban ng pananampalataya sa lumipas na nakaraan, maitutuon na ngayon ng mga Pilipino ang kahalintulad na uri ng pang-unawa na magpapasiya sa kinabukasan ng bansa.

“For Manileños in particular, I pray that they carefully weigh moral choices now before them in much the same way that the cardinals discerned and chose,” sabi ng unang babaeng alkalde ng Maynila.