Taguig

Mayor Lani nilagdaan 2 kasunduan para mapaghusay pangangalagang pangkalusugan

Edd Reyes Aug 16, 2024
52 Views

DALAWANG mahalagang kasunduan ang nilagdaan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano na layuning mapaghusay ang pangangalagang pangkalusugan at mapagbuti ang mga programa para sa malusog na mga ina at mga bata Biyernes ng umaga sa Grand Hyatt Hotel sa Bonifacio Globan City (BGC).

Ayon sa alkalde, mahalaga ang kasunduan niyang nilagdaan sa CareSpan Asia Inc. at katuwang nito na Temasek Foundation ng Singapore na magbibigay daan upang mapagkalooban ng wastong pangangalaga sa kalusugan ang 350,000 mamamayan sa Taguig sa tulong ng pagsasama ng maraming stakeholdes para sa Public-Private-Philanthropic-Partnership (PPPP).

Ang ilalim ng PPPP, ang CareSpan ang magkakaloob ng bagong sistema sa Taguig City na Electronic Medical Records (EMR) at kapabilidad ng telemedicine na isasama sa lokal na mga programang pangkalusugan ng lungsod upang matiyak na lahat ng benepisyaryo ay makakatanggap ng mataas na kalidad ng serbisyong pangkalusugan.

Naglaan dito ang Temasek Foundation ng $2.12 million Singapore dollar upang matiyak na mapapanatili ang programa at ang posibilidad na maipakalat ito sa iba pang mga lokal na pamahalaan.

Sinabi ni Mayor Cayetano na ang City of Taguig ang magsasanay sa mga volunteer at health workers na maipabatid ang kahalagahan ng kalusugan himukin ang lahat na magpatala sa Universal Health Care (UHC).

Sa isa pang nilagdaang kasunduan ni Mayor Cayetano sa SingHealth Duke-NUS Maternal and Child Health Research Institute (MCHRI), sa pangunguna ng KK Women’s and Children’s Hospital (KKH) Singapore, layunin nito na mapaganda ang serbisyong pangkalusugan sa mga ina at mga bata sa lungsod.

“This collaboration will not only enhance ourt capacity to deliver quality health care but also help up adopt best practices and innovative solutions that have been successful in Sinapore,” pahayag pa ni Mayor Lani.