Calendar
Source: Ibajay PNP
mayor pinagbabaril ng konsehal sa loob ng munisipyo, dedo
PATAY ang vice mayor ng Ibajay, Alkan matapos barilin ng isang konsehal na kapartido nito sa loob mismo ng munisipyo nitong Biyernes ng umaga.
Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ay nakilalang si Vice Mayor Julio Estolloso na nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang dibdib.
Arestado naman ang suspect na si Sangguniang Bayan member Mihrel Senatin.
Batay sa ulat ng Ibajay Municipal Police Station, naganan ang insidente dakon 9:00 ng umaga .
Ayon kay Police Maj. Rajov Salvino, hepe ng Ibajay MPS, nakarinig sila ng putok ng baril sa lugar at nang kanilang inspeksyunin ay naabutan nilang inilalabas na biktima para isugod sa pinakamalapit na pagamutan.
Napag-alaman na nilapitan ng suspect ang mga staff ng biktima para magtanong tungkol sa isang ordinansa na pinapagawa.
Kasunod nito ay nilapitan ng suspect ang vice mayor at tinanong kung ano ang kasalanan nya sabay bunot ng baril at pinaputukan ng sunod-sunod ang biktima.
Matapos ang insidente ay agad na dinala sa pagamutan ang biktima subalit hindi na ito umabot ng buhay habang inaresto naman ang suspect ng mga rumispondeng alagad ng batas.

