BI suportado kampanya vs POGOs
Feb 23, 2025
Mag-jowa wiz visible sa socmed mga ganap
Feb 23, 2025
Nagyayang mag-sex sa 2 bebot dedo sa kadyot
Feb 23, 2025
Calendar

Nation
Mayor Sara hindi natinag sa no. 1 spot ng VP race
Ryan Ponce Pacpaco
Mar 26, 2022
364
Views
HINDI natinag si Davao City Mayor Sara Duterte sa number 1 spot ng survey para sa bise presidente na isinagawa ng The Issues and Advocacy Center.
Batay sa resulta ng Pulso ng Pilipino survey na isinagawa mula Marso 7-13, nakakuha si Duterte ng 48.75 porsyento.
Ito ay halos doble ng 25.5 porsyento na nakuha ng pumapangalawang si Senate President Tito Sotto III.
Pangatlo naman si Doc Willie Ong na may 10.75 porsyento at sumunod si Sen. Kiko Pangilinan na may 8 porsyento. Si Buhay Party-list Rep. Joselito Atienza ay nakakuha naman ng 2.5 porsyento at sinundan ni Lito David na may isang porsyento.
Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,800 respondents na tinanong kung sino ang kanilang iboboto sa pagka pangalawang pangulo.
Panawan ng caucus sa Senado tinanggihan
Feb 23, 2025