Marcoleta

Mayor Sara: Isang karangalan na ikampanya si Rep. Marcoleta

273 Views

ISANG karangalan para kay vice presidential frontrunner at Davao City Mayor Sara Duterte na kanyang naikampanya si House Deputy Speaker at SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta.

Sa isang pahayag na inilabas ni Liloan, Cebu Mayor Christina Frasco, sinabi ni Duterte na si Marcoleta ay naging tunay na boses ng mga marginalize o napapabayaang sektor.

“Congressman Rodante Marcoleta brought to the Senate race a genuine concern for our fellow Filipinos and their upliftment out of poverty,” sabi ni Duterte.

Ang pag-atras umano ni Marcoleta sa pagtakbo sa pagkasenador ay hindi nangangahulugan na tatalikuran na nito ang kapakanan ng mga maralita.

“It was an honor to campaign for him and I wish him the very best,” sabi pa ng alkalde ng Davao City.