Sara

Mayor Sara: Kaalaman sa pagnenegosyo panlaban sa gutom, kahirapan

394 Views

MAKAKATULONG umano ang pagkakaroon ng kaalaman sa pagnenegosyo para mabawasan ang kagutuman at kahirapan sa bansa, ayon kay vice presidential candidate at Davao City Sara Duterte.

Sa kanyang talumpati sa harap ng libu-libong dumalo sa pagtitipon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City, binigyan-diin ni Duterte ang kahalagahan na magkaroon ng programa para sa mga nagnanais na mag-aral na magnegosyo.

“Kulang kasi kung sweldo lang ang ating aasahan — sweldo ng asawa, sweldo ng breadwinner. Dapat marunong rin po ang ating mga kababayan na magnegosyo,” sabi ni Duterte.

Sa ilalim ng pamumuno ni Duterte ay sinimulan ng Davao City government ang “Magnegosyo ‘Ta Day” project na nagbibigay ng oportunidad sa mga residente ng lungsod upang maging produktibong bahagi ng lipunan.

Bahagi ng naturang programa ang pagbibigay ng libreng edukasyon kaugnay ng pagnenegosyo at tulong pinansyal bilang paunang kapital.

“Meron pong science ang pagne-negosyo, at dapat po natuturuan lahat. ‘Yan po ang panguna na tututukan natin — ‘yung pera sa bulsa, at pagkain sa mesa,” dagdag pa ng nangungunang kandidato sa pagkabise presidente.

Kung mananalo, sinabi ni Duterte na isa sa kanyang tututukan ang pagbibigay ng oportunidad sa lahat ng nais na magkaroon ng dagdag na pagkakakitaan sa pamamagitan ng pagnenegosyo.