Undas1

Mayor, VM nanguna sa paggunita ng Undas sa Limay

Christian Supnad Nov 1, 2025
254 Views

MISMONG sina Mayor Richie Jason David, Vice Mayor Grace David at mga Sangguniang Bayan members ang pasimuno ng paggunita ng Undas sa Limay, Bataan upang masiguro ang kaligtasan, kaayusan at kalinisan ng mga mamamayan sa mga sementeryo.

Katuwang ang mga pulis-Limay, Bureau of Fire Protection (BFP), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), CACG Volunteers at mga opisyales ng bawat barangay, sinabi ni Mayor David na sila ay aktibong nagpapatupad ng mga hakbang para sa ligtas na pagdalaw ng publiko sa mga sementeryo.

May mga e-bikes na umiikot sa paligid ng mga sementeryo na maaaring sakyan ng mga senior citizens at persons with disabilities (PWDs).

Mayroon ding mga portalet na inihanda sa Catholic Cemetery (Upper Bernabe), Catholic Cemetery (Lower Bernabe, Limay Cemetery, Limay Cemetery (Bo. Roxas National Road).

“Patuloy ang paalala ng Limay na maging maingat, disiplinado at makiisa sa mga ipinatutupad na alituntunin upang matiyak ang isang mapayapa, ligtas at malinis na Undas para sa lahat,” dagdag ni Mayor David.