Graph

Mayorya ng Pinoy pabor sa pakikipag-alyansa ng PH sa US—Pulse Asia

143 Views

PABOR ang nakararaming Pilipino sa pagpapalakas ng alyansa ng Pilipinas sa mga kaalyado ito nitong bansa gaya ng Estados Unidos sa gitna na tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

Batay ito sa survey na isinagawa ng Pulse Asia mula Hunyo 19 hanggang 23.

Ang mga respondent ay tinanong kung “Kayo po ba ay pabor o hindi pabor sa pagpapatibay ng ugnayang militar sa pagitan ng Amerika at Pilipinas sa gitna ng tensyon sa seguridad sa West Philippine Sea?”

Nagsabi ang 75 porsyento na sila ay pabor at 14 porsyento naman ang hindi. Mayroong dalawang porsyento na nagsabi na wala silang sapat na kaalaman para magdesisyon at 8 porsyento naman ang hindi masabi kung pabor o hindi.