Francisco

Medalya humulagpos sa kamay ni Francisco

197 Views

HANGZHOU, China — Palaban sa tanso-pilak si Jericho Francisco Jr. patungo sa third & last run niya, pero nadulas sa patapos na bahagi ng takbo para sumablay sa medalya, pumang-apat sa 19th Asian Games 2022 skateboarding men’s park finals sa Qiantang Roller Sports Centre sa Zhejiang Province rito.

Sinubi nina home bet Ye Chen, at Japanese Yuro Nagahara at Kensuke Sasaoka ang mga ginto, pilak at tansong medalya sa best scores na 84.41 (second run), 84.00 (third run) at 83.66 (3rd run), ayon sa pagkakasunod.

May 83.58 si Francisco na pinoste niya sa pangalawang takbo na naging best score na rin niya dahil sa aksidente ng pagkadulas sa eight-man finals. Tumersera siya heats noong Linggo.

Maari pa niyang mapataas ang 2nd run points kundi sa disgrasya dahil bago ang third run ay pumapangalawa siya sa standing saka nilampasan ng dalawang Hapones pagkabagsak sa huling iskor.

Ang tropa niyang si Mazel Paris Alegado, 9, na kaestado rin sa Amerika (California) at mga suportado rin ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee, pumampito uli sa women’s finals sa 52.85 markers, gaya ng posisyon niya sa heats.

Tinatak nang posibleng pinakabatang kalahok sa quadrennial continental sportsfest na ito iyon unang pasada pa lang na naging pinakamataas na niyang puntos dahil sa 24.83 at 24.50 sa mga sumunod.

Gold winner si Nippon HInano Kusaki (88.87, last run) samantalang silver-bronze medalists sina Chinese Yujuan Li (85.48, last run) at Jiasi Mao (80.46, last run).

Rarampa na ngayon (Martes) sina Margielyn Didal kasama sina Mark Renzo at John Flory sa women’s at men’s street heat.

Si Didal ang defending champion sa kanyang event, hinablot ang ginto 2018 Jakarta-Palembang Asiad.

Francisco