Martin

Media dapat proteksyunan—Speaker Romualdez

237 Views

BINIGYAN-DIIN ni Speaker Martin G. Romualdez ang kahalagahan na maproteksyunan ang media na mayroon umanong malaking papel sa pag-unlad ng bansa.

“The protection of members of the Fourth Estate is of paramount importance as they play a vital role in nation-building,” sabi ni Speaker Romualdez.

Ginawa ni Romualdez ang pahayag kasabay ng pagpuri nito sa mabilis na pagresolba ng pulisya sa kaso ng pinaslang na beteranong broadcaster na si Percy Lapid.

Kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na hawak na ng Philippine National Police (PNP) si Joel Estorial na umamin umano na siyang bumaril kay Lapid noong Oktobre 3 sa Las Piñas.

“We in the House of Representatives welcome this positive development in the unfortunate crime that took the life of Percy Lapid. We applaud the efforts of SILG Abalos and the police to swiftly resolve the case,” dagdag pa ni Romualdez.

Kumpiyansa si Romualdez na matutukoy din ng otoridad ang nasa likod ng pagpaslang kay Lapid.

Nauna rito ay nag-alok ng P5 milyong pabuya ang mababang kapulungan ng Kongreso para sa sinuman na makapahbibigay ng impormasyon para madakip ang mga salarin.

Ang pabuya ay ambagan ng mga kongresista na nabahala sa insidente ng paspaslang.