Prince

Medical BPO maglalagay ng P800M investment sa PH

148 Views

MAGLALAGAK ng P800 milyong puhunan sa medical business process outsourcing (BPO) ang American healthcare services provider na Optum.

Ang naturang pamumuhunan, na lilikha ng 1,500 trabaho ay bahagi ng mga nasungkit na investment ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang pagbisita sa Estados Unidos.

Ayon kay John Prince, pangulo at COO ng Optum, napili nito ang Pilipinas sa pagpapalawak ng kanilang operasyon.

“I’m a really big believer that great things happen to great teams and we have a great team in the Philippines,” sabi Prince.

Pinuri naman ni Pangulong Marcos ang plano ng Optum.

Noong Marso ay nakipag-uspa na ang Optum sa Board of Investments (BOI) upang pag-usapan ang kanilang plano na maglagay ng proyekto sa Davao at nagtanong kaugnay ng mga equipment na ipapasok nito sa bansa.

Noong 2011 ay nag-invest ang UHG/Optum ng P5.1 bilyon sa kanilang mga site sa Taguig, Muntinlupa, Quezon City, at Cebu City.

Ang Optum ay nagbibigay ng iba’t ibang healthcare information management services gaya ng clinical, revenue cycle management, pharmacy services and benefit management, payment integrity, quality & risk adjustment, technology sa pamamagitan ng voice, non-voice at blended processes.