Regino

Members contribution sa SSS aakyat sa 14%

210 Views

SIMULA Enero 2023 ay magiging 14 porsyento na ang kasalukuyang 13 porsyentong members contribution ng Social Security System (SSS).

Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Michael G. Regino ang pagtataas ay alinsunod sa Republic Act 11199 na pinirmahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ilaim ng RA 11199, mula 2019 hanggang 2025 ay magpapatupad ng pagtataas sa SSS contribution hanggang sa makaabot ito sa 15 porsyento.

“This is part of the implementation of the Social Security Act of 2018, and this will also be advantageous to the SSS members in the form of higher benefits,” sabi sa pahayag ng SSS.

Ang mga employer umano ang papasan ng pagtaas. Apektado naman ang mga voluntary members gaya ng self-employed, voluntary, non-working spouses, at OFW.

Ang minimum na monthly salary credits (MSC) ay magiging P4,000 na at ang maximum MSC ay P30,000.