Mensahe ni VP Sara sa mga taga-Bukidnon: Gawing prayoridad edukasyon ng mga bata

197 Views

NANAWAGAN si Vice President Sara Duterte sa mga residente ng Malaybalay, Bukidnon na gawing prayoridad ang edukasyon at tiyakin na pumapasok sa mga paaralan ang mga bata.

Binitiwan ni Duterte ang mensahe sa kanyang talumpati sa Kaamulan Festival.

“Sa atoang mga ginikanan, sa atong mga lolo ug lola, mga ig-agaw, mga auntie, mga uncle — paniguraduhon nato nga ang atoang mga anak, mga apo, mga manghud, mga ig-agaw, tanan nga kabataan dinhi sa atoang probinsya sa Bukidnon ug sa tibook nasud nga mosulod gyud sila sa eskwelahan ug dili ta motugot nga maundang ang ilang pag-eskwela (To the parents, grandparents, cousins, aunts, and uncles, let’s make sure our children, grandchildren, younger siblings, cousins, and every child in the province and the rest of the country go to school, and let us not allow them to stop schooling),” ani Duterte.

Si Duterte, na kalihim din ng Department of Education (DepEd)ang guest of honor at speaker ng event.

Iginiit ni Duterte na ang pagpapataas ng kalidad ng edukasyon ay mahalaga sa pagganda ng kinabukasan ng mga Pilipino.

Nanawagan din si Duterte sa mga magulang na makiisa at makipagtulungan laban sa kriminalidad at terorismo sa pamamagitan ng paglayo sa mga bata sa mga taong nasa likod ng mga gawing ito.

“Hunungi na na ninyo ang paghatag ninyo’g suporta sa mga NPA kay mao nay modaot sa kaugmaon sa inyong mga anak (Stop supporting the NPA because that will destroy your children’s future),” dagdag pa ng Ikalawang Pangulo.

Ang Kaamulan Festival ay isang selebrasyon sa Bukidnon bilang pagkilala sa pitong tribo na nagbigay ng kulay sa kultura ng probinsya.