BBM1

Mental health pahalagahan—PBBM

187 Views

BINIGYANG-DIIN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kahalagahan na mapag-usapan ang mental health.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa pagdiriwang ng World Health Day ngayong ika-10 ng Oktubre.

Ayon kay Marcos dapat ay pag-usapan ang mental health gaya ng mga isyu ng climate change, kahirapan, at kapayapaan.

“Ang kalusugang pangkaisipan ay nararapat na maging bahagi ng mga prayoridad na usaping pandaigdigan – kasama ng climate change, kahirapan at kapayapaan,” sabi ng Pangulo.

Nanawagan din si Marcos sa publiko na pagmalasakitan ang iba at magpamalas ng kabutihan sa iba lalo at marami ang nahirapan sa pandemya.

“Sa pinagdaanan nating krisis sa nakaraang dalawang taon, sinubok nang labis ang tatag ng ating isipan kaya’t ang pagmamalasakit at kabutihan sa kapwa ay kinakailangan ngayon higit kailanman. Maging maingat at suportahan natin ang isa’t isa,” dagdag pa ng Pangulo.