BBM

Metro Manila solon naniniwala na magandang direksiyon ang tatahakin ng BBM administrasyon sa larangan ng turismo

Mar Rodriguez Jun 7, 2022
223 Views

SolonTAMANG direksiyon ang tinatahak ng adminitrasyon ni incoming at President-Elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. dahil sa plano nitong paunlarin ang sektor ng Turismo na isang paraan upang makabangon ang ekonomiya ng bansa.

Ito ang pananaw ng isang Metro Manila solon na nagsabing magandang direksiyon ang tatahakin ng susunod na administrasyon sakaling bigyan nito ng importansiya ang tourism sector ng bansa na makakatulong ng malaki para makaahon ang ating ekonomiya.

Pinuri din ni Quezon City 5th Dist. Rep. Alfred Vargas ang plano ni incoming Tourism Sec. Christina Frasco na pagtibayin ang ugnayan (ties) sa pagitan ng pribadong sektor at lokal na pamahalaan para paunlarin ang turismo sa iba’t-ibang panig ng bansa.

“Strong partnership between local governments and private sector stakeholders in the tourism sector will provide both focus and synergy,” sabi ng mambabatas.

Sinabi pa ni Vargas na bilang dating local executive, malaki aniya ang maitutulong at magagawa ni Frasco para lalong pagtibayin ang “collaboration” o pagtutulungan sa pagitan ng Local Government Unit’s (LGU’s), private sector at public sector.

Ipinaliwanag pa ng kongresista na malaki ang magiging pakinabangan ng LGU’s at Tourism industry dahilan sa ginawang prayoridad ng incoming Marcos administration ang turismo ng bansa at ang pagkakaroon ng mga proyektong inprastraktura sa ilalim ng 2023 national budget.

“With tourism and tourism-related infrastructure projects. We can expect more jobs both in the short-term and in the long term,” sabi pa ni Vargas kaugnay sa larangan ng turismo.