MPT

Metro Pacific nagbigay ng school kits sa Paranaque, Cavite schools

Edd Reyes Jun 14, 2025
22 Views

LUMAHOK ang Metro Pacific Tollways South (MPT-South) sa Brigada Eskwela 2025 ng Department of Education (DepEd) sa pagbibigay ng 900 gamit pang-eskwela sa Paranaque City at Cavite.

Layunin ng MPT South na suportahan ang mga mag-aaral at mapagaan ang bigat ng gastusin ng kanilang pamilya na naghahanda na sa pagbubukas ng klase sa Lunes.

Kabilang sa mga nabigyan ng donasyon ng MPT South ang iba’t-ibang pampublikong paaralan sa Bacoor, Imus, Silang, General Trias, Kawit at Parañaque.

Bawat mag-aaral nakatanggap ng ballpen, notebooks, pad paper at krayola.

Tampok sa kaganapan ang pagkakaloob ng mga gamit sa mga mag-aaral sa Salinas Elementary School na dinaluhan ni Cavite Rep. Lani Mercado Revilla.

“Taos-puso akong nagpapasalamat sa CAVITEX para sa kanilang pakikilahok sa Brigada Eskwela. Malaking tulong ang inyong suporta at volunteer work sa paghahanda ng ating mga paaralan para sa ligtas at maayos na pagbabalik ng ating mga mag-aaral,” pahayag ni Rep. Revilla.

Sa panig ni Arlette V. Capistrano, Vice President for Communication and Stakeholder Management at MPT South, sinabi niya na hindi nagtatapos sa paggawa ng kalsada at expressways ang pagtulong nila sa bansa kundi sa pagkakaloob din ng suporta sa bawat komunidad.