Mga ambassador hinimok ni PBBM ba maghanap ng oportunidad para sa Pilipinas

186 Views

HINIMOK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga Ambassadors Extraordinary and Plenipotentiary na ipagpatuloy ang paghahanap ng oportunidad para sa Pilipinas sa kani-kanilang hurisdiksyon.

Sinabihan din ng Pangulo ang mga ito na ipagpatuloy ang pakikipag-ugnayan sa ibang bansa upang maitaguyod ang interes ng Pilipinas at mapalakas ang pakikipag-ugnayan ng bansa sa ibang bansa.

“And whether or not they are allies, whether or not they are friendly, nonetheless, it is very important that we continue to communicate, that we continue to engage, that we continue to have a way to explain what the Philippines is trying to do, how the Philippines sees its role in the community of nations,” ani Marcos.

Binigyan-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng pagpapalakas ng alyansa ng Pilipinas sa ibang bansa na makatutulong umano upang mapabilis ang pag-angat ng ekonomiya.

“It is important that we have partners as we try to navigate out of this pandemic economy, out of the crisis that we have had to attend to and deal with as an effect of the Ukraine conflict,” sabi ng Pangulo.

Kasama sa pagtitipon sina Ambassador Grace Tolentino Cruz-Fabella na nakatalaga sa Argentine Republic; Ambassador Jaime Victor Badillo Leda na nakatalaga sa Kingdom of Belgium; Ambassador Joseph Gerard Bacani Angeles na nakatalaga sa Federative Republic of Brazil; Ambassador Eduardo Martin Ramos Meñez na nakatalaga sa Czech Republic; Ambassador Gina Alagon Jamoralin na nakatalaga sa Republic of Indonesia; at Ambassador Pedro Ramirez Laylo Jr. na nakatalaga sa the State of Israel.

Naroon din sina Ambassador Nathaniel Garcia Imperial (Italian Republic); Ambassador Mylene De Joya Garcia-Albano (Japan); Ambassador Wilfredo Cunanan Santos (Hashemite Kingdom of Jordan); Ambassador Lilybeth Rodriguez Deapera (United Mexican States); Ambassador Lilibeth Velasco Pono (State of Qatar); Ambassador Medardo Antonio Gonzales Macaraig (Republic of Singapore); at Ambassador Alfonso Ferdinand Agbayani Ver (United Arab Emirates).