Just In

Calendar

May 2025
M T W T F S S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
BBM1

Mga bagong opisyal nanumpa sa tungkulin

297 Views

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong opisyal ng kanyang administrasyon at ng miyembro ng League of Provinces of the Philippines (LMP).

Nanumpa si Aileen Anunciacion Zosa bilang pangulo at CEO ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA).

Gayundin sina Olivia “Bong” Coo bilang commissioner ng Philippine Sports Commission at Mylene Garcia-Albano bilang Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary ng Pilipinas sa Japan.

Sa panunumpa ng mga miyembro ng LMP, binigyan-diin ni Marcos ang kahalagahan ng koordinasyon at komunikasyon sa pagitan ng lokal na pamahalaan at gobyerno nasyunal sa implementasyon ng mga programa para sa pag-unlad ng bansa.

Sinabi ni Marcos na mahalaga ang pagkakaroon ng maayos na komunikasyon lalo at limitado ang pondo ng gobyerno. Dapat umano ay magkasundo ang mga plano para sa pag-unlad.

“Kaya’t kailangan sabay-sabay ang galaw natin, aking iniisip that we have to coordinate what we are trying to do,” sabi ni Marcos.