Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Jil Bongalon

Mga batang kongresista kinuwestyon survey ng Pulse Asia kaugnay ng Cha-cha

Mar Rodriguez Mar 31, 2024
118 Views

KINUWESTYON ng mga miyembro ng tinaguriang Young Guns ng Kamara de Representantes ang survey ng Pulse Asia sa paggamit ng bias at leading questions upang tutulan ang panukalang amyendahan ang Konstitusyon.

Ayon kina House Assistant Majority Leaders Jil Bongalon ng Ako Bicol Partylist, Reps. Paolo Ortega V ng La Union, at Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur na mayroong mga tanong na maaaring nagdulot ng kalituhan sa mga respondents.

“The wording of the questions used by Pulse Asia seemed designed to lead respondents towards a particular viewpoint on Charter amendments,” ani Bongalon, isang abugado.

Sinabi ni Bongalon na mayroong mga tanong na isinama ang Pulse Asia na hindi kasali sa kasalukuyang panukala na tinatalakay sa Kongreso.

Gaya umano ito ng tanong kaugnay ng pagbabago ng porma ng gobyerno mula unitary system patungong federal system, pagpapalawig ng termino ng mga kasalukuyang nanunungkulan, pagbabago ng sistema ng gobyerno mula presidential system patungong parliamentary system, at paglipat ng lehislatura mula bicameral patungong unicameral.

Bias naman ang tingin ni Ortega sa tanong kaugnay ng pagpayag sa mga dayuhan na pagsamantalahan ang likas na yaman ng Pilipinas.

“The survey questions, particularly those addressing contentious issues such as term extension, foreign exploitation of natural resources, and a shift from a presidential to a parliamentary system of government, may have inadvertently skewed responses and fostered opposition to Cha-cha,” sabi ni Ortega.

Binigyan-diin ni Ortega na ang panukala sa Kongreso ay amyendahan lamang ang economic provisions ng Konstitusyon at walang politikal na repormang ipinanukala.

Para naman kay Adiong, mahalaga na maging akma ang mga tanong sa survey sa panukalang pag-amyenda.

“The wording of survey questions should accurately reflect the actual provisions being proposed for amendment,” sabi ni Adiong.

Gaya ni Bongalon, sinabi nina Ortega at Adiong na mahalaga ang pagiging eksakto at patas ng mga tanong sa survey.

“Surveys play a crucial role in gauging public opinion, but they must be conducted in a fair and unbiased manner,” sabi ni Ortega.

Ayon kay Ortega mayroong epekto ang biased na mga tanong sa isasagot ng mga respondent sa survey.

“Biased survey questions can distort public perception and hinder meaningful dialogue on constitutional reform,” babala ni Ortega.

Iginiit naman ni Adiong ang kahalagahan ng pagiging tiyak at hayag ng mga survey partikular sa mga isyung nasyonal gaya ng constitutional reform.

“Surveys on complex issues like Cha-cha require clarity to accurately gauge public opinion,” punto ni Adiong. “It is essential for survey firms to ensure that questions are clear, specific, and free from bias to obtain accurate results.”

Hinimok naman ni Bongalon ang lahat ng stakeholders, kasama ang mga survey company, media, at publiko, na tumulong upang maging malinaw at maintindihan ang mga isyu.

“It is incumbent upon all of us to ensure that the public discourse on constitutional reform is transparent, inclusive, and well-informed,” sabi ni Bongalon.

Batay sa resulta ng survey ng Pulse Asia, 74% ng mga respondent ang naniniwala na hindi dapat amyendahan ang 1987 Constitution ngayon at kahit sa ibang panahon.