Rep. Rodge Gutierrez 1Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez

Mga butas sa COA-DBM joint circular inabuso sa paggamit ng confidential fund ni VP Sara

Mar Rodriguez Dec 9, 2024
199 Views

INABUSO umano ang mga butas ng Commission on Audit-Department of Budget and Management (COA-DBM) Joint Circular No. 2015-001 sa paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).

Ito ang sinabi ni 1Rider Party-list Rep. Ramon Rodrigo “Rodge” Gutierrez sa pagdinig ng House committee on good government and public accountability nitong Lunes.

“Throughout the course of seven hearings, we have brought detail to some long-held suspicions: the confidential funds of the OVP and DepEd had been abused, or malversed, or perhaps, even taken,” sabi ni Gutierrez.

“By abused, I mean that the relevant officers of the OVP and the DepEd took advantage of gaps in, and in fact, violated Joint Circular 2015-001. Mahirap po na problema ito – pera po ng taong-bayan ang pinag-uusapan dito and unless we are aware of these gaps and violations, the legal regime cannot and will not change for the better,” dagdag pa nito.

Inilahad ni Gutierrez kung paanong ang mga paglabag sa Joint Circular 2015-001 ay nagpapakita ng isang sinadyang layunin na itago ang paggamit ng mga confidential funds, at binigyang-diin niya na ang mga pondong ito, na nilaan para sa mga sensitibong layunin, ay naging mga kasangkapan ng pang-aabuso.

Idinetalye ni Gutierrez kung paanong inamin ni DepEd Special Disbursing Officer Edward Fajarda na ine-encash niya ang P37.5 milyon bawat quarter, ngunit wala siyang alam kung paano ginamit ang mga pondo matapos itong ipasa sa mga security officer.

“It begs the question, sino po ba ang totoong special disbursing officer? Kung ang nag-iisang taong pinagdidisbursean ng SDO ay si Col. Nolasco, kung pagka-encash ng tseke ay agaran naman itong inaabot sa security officer,” giit pa ni Gutierrez.

“Whatever happened to Mr. Fajarda being an accountable officer under the Joint Circular kung wala siyang slightest idea kung saan napupunta o kanino ibinibigay ang confidential funds. Is his role in this entire process simply ministerial?” dagdag pa ng kongresista.

“We beg to disagree. Mr. Fajarda is not just a simple bag man that would withdraw the funds and turn over to the security officer,” aniya.

Gayundin ang kalakaran sa OVP, kung saan si SDO Gina Acosta ang taga-encash ng P125 milyon kada quarter sa loob ng tatlong quarters.

Ibinunyag ni Gutierrez kung paano kinumpirma ni Acosta ang iregular na paghawak sa mga pondo.

“Ms. Acosta also admitted that the utilization and payment of the CF involves her handing over the money to a security officer per the instruction of no less than the Head of the Agency, Vice President Duterte,” saad ni Gutierrez, na ito ay nagdudulot ng mga kuwestyon tungkol sa pananagutan sa bawat antas.

Isang mahalagang isyung binigyang-diin ni Gutierrez ay ang paghahanda ng mga liquidation reports na tila puno ng mga di-pagkakatugma.

Binanggit niya na ang mga acknowledgment receipt (AR) ay madalas na backdated o minadaling ihanda upang bigyang-katwiran ang mga pagpapalabas ng pondo.

“An examination of the Acknowledgment Receipts submitted by the DepEd for the 1st Quarter of 2023 revealed that Mr. Fajarda made disbursements for 38 consecutive days… and for 35 out of those 38 days, payouts were made to at least 10 to 26 people per day and for various purposes,” ayon sa kongresista, na inilarawan ito na hindi kapani-paniwala.

Ibinunyag din ni Gutierrez kung paano inabuso ng DepEd ang mga sertipikasyon mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) upang ipaliwanag ang P21.9 milyon na diumano’y nagastos para sa mga impormante.

“The DepEd took advantage of the AFP, rode in the coattails of the AFP, and misled the AFP into issuing certifications for a project that is not the DepEd’s to begin with,” pahayag pa ni Gutierrez.

Nakakagulat din aniya ang mga iregularidad sa paggamit ng pondo ng OVP noong ikaapat na quarter ng 2022. Binanggit ni Gutierrez na ang P125 milyon na confidential funds ay nagastos sa loob lamang ng 11 araw.

“For everyone’s recollection, this period refers to the 11 days when the OVP was able to use up P125 million worth of confidential funds, and markedly there were at least three days out of those 11 days that the payouts reached a hundred recipients,” ayon pa sa kanya.

Binanggit pa ni Gutierrez ang mga pagkakaiba-iba sa mga petsa at dokumentasyon ng mga AR na isinumite ng OVP, kung saan marami ang may petsang hindi sakop ng itinakdang liquidation period.

“Wala po yata ibang reason dito except that the acknowledgement receipts were indeed executed in 2023 and not in 2022, contrary to what the OVP is trying to establish,” ayon pa sa mambabatas.

Ayon kay Gutierrez, ang pinakamabigat na paglabag ay ang kabiguan ng parehong ahensya na sumunod sa mga pangunahing probisyon ng Joint Circular 2015-001.

“Unfortunately, the SDOs themselves violated their own accountability – their own certifications in the liquidation report,” ayon pa sa kanya.

“With them disclaiming knowledge kung saan or kanino ba talaga pumunta ang bawat sentimo ng confidential funds, they violated a particular responsibility under Item 4.15.1 of the Joint Circular where they are supposed to certify at least two things – na sila ang accountable for the disbursements of confidential funds and that the expenses were incurred in connection with the agency’s confidential activities,” dagdag pa ni Gutierrez.

“How can they faithfully attest to these kung binibigay lang din naman nila ‘yung confidential funds sa ibang tao or empleyado, basta mangako din sa kanya ‘yung empleyado, halimbawa, na gagamitin ‘yung pera pambayad sa informer or pang-conduct ng surveillance activities,” aniya.

“This provision mandates clear accountability and proper documentation for every peso disbursed under confidential funds,” pahayag niya.

Ikinalungkot ni Gutierrez kung paanong ang mga pagkukulang na ito ay sumira sa tiwala ng publiko at nagpakita ng mga sistematikong kahinaan sa mga kasalukuyang regulasyon sa pamamahala ng confidential funds.

Binigyang-diin niya na kung walang mga reporma, malaki ang posibilidad na magpatuloy ang mga ganitong uri ng pang-aabuso.

“Sa dami po ng nadiskubre natin in the past hearings na sinubaybayan po ng publiko, we uncovered irregularities and deficiencies in the disbursements and reporting of the confidential funds allocated to the OVP and to the DepEd,” saad pa nito.

“Our task does not end here. It is now our duty to craft legislation that will protect the public coffers and ensure that they are not used and abused by public servants for their personal agenda,” dagdag pa ni Gutierrez.