Calendar
Mga elitistang ‘pinklawan’ nag-away away dahil sa payabangan sa concert party ni Leni
USAP-USAPAN ngayon ang bangayan ng ilang mga elitistang taga-suporta na dumalo sa musical concert rally ni Leni Robredo nitong nakaraang Linggo matapos mauwi sa payabangan ang pagdalo nila sa naturang party.
Lumabas din na maliban sa napakaraming binayarang “hakot crowd” na galing pa sa ibat-ibang probinsya na isinakay sa mga bus, marami din sa mga dumalo ay mga elitista o mayayaman at hindi yung madalas na banggitin ni Robredo na kasama niya sa “laylayan.”
Nagsimula ang bangayan ng mga supporters matapos mag-post ang deklaradong supporter ni Robredo na si DJ Cha-Cha para ipagtanggol na hindi sila bayaran na mga sumama sa rally.
“Sure akong hindi bayad yung mga nasa Pasig kase yung ibang kasabay namin kanina nung nagutom nakita ko sa Wolfgang Steakhouse nag meryenda,” ayon sa tweet ni Cha-Cha patungkol sa isang mamahaling restaurant sa lugar.
Pero maraming supporter din ang hindi nagustuhan at agad binatikos si DJ Cha-Cha.
“Please stop with this narrative. We shouldn’t be slamming into other people’s faces that we can afford to buy this and that because it does not go with VP Leni’s advocacy of focusing on the poor and underprivileged,” tugon ni Reign na isa ring supporter ni Leni.
“There’s the rub. The rallies aren’t connecting with the laylayan. The 16 percent or so percent are those engaged supporters who attend the rallies. The critical mass are those grocery store clerks, baggers, messengers who are too busy eking out a living. Ask them, they aren’t pink,” galit naman na tugon ng isa pangg netizen.
“Ang kelangang ligawan ng boto yung ni minsan di pa nakatikim ng steak. Yung nabibili dahil sa desperation, paano natin makukuha ang loob,” komento naman ng isa pang netizen.
Pero ilang netizen naman ang tila hindi naapektuhan dahil nagkanya-kanya ng mga payabangan kasabay ng pagbibida ng pagkain sa mga mamamahaling restaurant ay nag-check-in din daw sila sa mga mamahaling hotel malapit sa lugar.
“At nakakahiya naman dun sa mga nag-check-in pa sa Crowne Plaza at Marco Polio para lamang maka-attend,” ayon naman kay Pampi83 sa Twitter.
“We can clear the bayaran allegations naman po without painting a picture na mas may kaya ang mga supporter ni Leni. This may cause a bigger gap po between kakampinks and BBM supporters na nakikita na pang-mayaman o nakaaangat lang ang supporters ni Leni,” ayon naman kay Lil Kazam.