Martin

Mga hakbang para mapanatili ang kapayapaan mahalaga sa pag-unlad—Speaker Romualdez

Mar Rodriguez Nov 25, 2023
132 Views

MULING nagpahayag ng kanyang suporta si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga hakbang ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte na ipinagpatuloy ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang mapanatili ang kapayapaan na mahalaga sa pag-unlad ng bansa.

“True progress blooms in the gardens of peace. The amnesty programs initiated by President Duterte and zealously continued by President Marcos are not just acts of reconciliation but pivotal steps towards the Philippines’ economic and social flourishing. As we bridge divides, we pave the way for prosperity,” ani Speaker Romualdez, lider ng Kamara de Representantes na mayroong mahigit 300 miyembro.

Ayon kay Speaker Romualdez, makasaysayang ang ginawa ng administrasyong Duterte na bigyan ng amnestiya ang mga miyembro ng iba’t ibang grupo ng rebelde at ito ay ipinagpatuloy ni Pangulong Marcos.

Ang pagpapatuloy, ayon kay Speaker Romualdez ay nagpapakita ng nagkakaisang pananaw sa kahalagahan ng kapayapaan sa magkakaibang administrasyon.

“Peace is the bedrock upon which we build a nation’s dreams. It is not merely the absence of conflict but the presence of justice and inclusivity,” Speaker sabi ni Romualdez.

“By integrating former rebels back into the societal fabric, we are weaving a stronger, more resilient Philippines,” dagdag pa nito.

Binigyan-diin din ni Speaker Romualdez ang kahalagahan ng kapayapaan sa pag-unlad.

“Every step towards peace is a leap towards development. As we heal past divisions, we unlock the full potential of our nation, ensuring that development reaches every corner of our archipelago,” wika pa ang lider ng Kamara.

Sinabi ni Speaker Romualdez na mahalaga rin na maalalayan ng gobyerno ang mga dating rebelde na nagdesisyong magbalik gaya ng suporta para magkaroon ng trabaho o pagkakakitaan, sa edukasyon, at kalusugan,

Ayon kay Speaker Romualdez ang Kamara ay makikipagtulungan sa Executive department upang plantsahin ang mga plano at programa para sa mga magbbalik-loob na rebelde upang maging produktibo ang mga ito sa kanilang muling pagsama sa lipunan.

“In unity, there is strength; in peace, there’s a future. The House of Representatives stands resolute in supporting measures that foster peace and propel our nation towards unparalleled growth,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.