Calendar

Mga House lider sa kumpiyansa ni VP Sara: Libre ang mangarap
BINATIKOS ng mga lider ng Kamara de Representantes ang pahayag ni impeached Vice President Sara Duterte na kumpiyansa siya na maaabsuwelto ng Senate impeachment court.
Sinabi nina House Assistant Majority Leader at Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun at Deputy Majority Leader at La Union 1st District Rep. Paolo Ortega na hindi mabubura ng kumpiyansa ni Duterte ang mabibigat na ebidensya kaugnay ng maling paggastos ng kanyang confidential funds.
“Libre ang mangarap. She can be as confident as she wants, but that doesn’t change the facts. The evidence we’ve uncovered is substantial, well documented, and rooted in her own actions. This is not political harassment. It is accountability in action,” ani Khonghun, chairman ng House special committee on bases conversion.
Batay sa Articles of Impeachment na inihain laban sa pangalawang pangulo, ginastos ni Duterte ng P125 milyong confidential funds nito sa loob ng 11 araw lamang noong 2022.
Kung isasama ang ginastos ni VP Duterte na confidential fund noong 2022 ay aabot umano ang kabuuang halaga nito sa P612.5 milyon.
Humingi ng confidential fund si VP Duterte kahit wala siyang mandato sa batas na magsagawa ng intelligence o surveillance operations.
“The OVP is not an intelligence agency. Using intelligence funds was not just irregular, it was illegal.” ayon kay Ortega.
Mas nakakabahala pa, ayon kay Ortega, ang lumalabas na ebidensya na nagsasabing ilang pinaglaanan ng confidential funds ay mga peke o kahina-hinalang grupo, dahilan para isipin na sadyang pineke ang mga transaksyon upang itago ang maling paggamit.
“We now have information that points to non-existent or suspicious recipients of public funds. That’s not just a violation. It’s a deception,” ani Ortega.
“This goes beyond technicalities. This is potential fraud against the Filipino people,” dagdag pa niya.
Ipinagsawalang bahala lang ni Duterte ang mga paratang at iginiit sa isang panayam sa Cebu nitong Martes na kumpiyansa siya na maipagtatanggol siya ng kanyang legal team at mapawalang-sala.
Kinumpirma rin ni Duterte na ang kanyang pag-endorso sa 12 kandidato sa Senado, kabilang ang ilang malalapit sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, ay bahagi ng kanyang tugon laban sa umano’y “injustice” o kawalan ng hustisya.
Nagbabala si Khonghun sa paggamit ng alyansang politikal o impluwensya sa eleksyon upang maimpluwensyahan ang magiging resulta ng paglilitis sa Senado.
“This is not about former President Duterte. This is about Sara Duterte’s own actions, her own accountability,” ani Khonghun.
Samantala, binalaan ni Ortega ang publiko na hindi basta lamang isang political maneuver ang impeachment.
“This is not about drama, endorsements or dynasty politics. It’s about upholding the Constitution and protecting public funds. No amount of spin or campaigning will erase the truth,” ani Ortega.
Inaasahang magpupulong ang Senado bilang impeachment court sa Hunyo at sisimulan ang paglilitis sa Hulyo.
Ayon pa kay Ortega, “The evidence is clear, the violations are serious, and the public deserves the truth.”
“This isn’t a confidence game. This is the Constitution at work,” dagdag pa niya.