Teofimar Renacimiiento

Mga kabutihang nagawa ni Pangulong Ferdinand Marcos

719 Views
Marcos
Photo from Malacañang Museum Library

INIUTOS din ni Pangulong Marcos na ang lahat ng mga kabataang nagtapos ng kolehiyo na cum laude o higit pa ay hindi na kailangan pa kumuha ng civil service examination. Maari na silang magtrabaho sa pamahalaan. Umiiral pa hanggang ngayon ang nasabing batas ni Marcos, at maraming kabataang Pilipino ang nakikinabang dito.

Pati ang mga pumasa sa bar exam, o sa board exam, hindi na rin kailangan kumuha pa ng civil service exam at maari na kaagad magtrabaho sa pamahalaan dahil kay Pangulong Marcos.

Sa pangasiwaan din ni Pangulong Marcos inumpisahan ang Pag-Ibig Fund na tumutulong sa mga pangkaraniwang Pilipino na nais magkabahay.

Ipinagawa din ni Pangulong Marcos ang “limbagan ng panagot, pandayan ng pera, at dalisayan ng ginto” (security printing plant, mint and gold refinery) ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa East Avenue sa Quezon City. Dahil dito, hindi na kinakailangan ng Pilipinas angkatin pa mula sa ibayong dagat ang salaping papel ng pinanggugugol sa buong bansa.

Sa ilalim rin ng pamahalaang Marcos ipinagbawal ang mga dayuhan na magpatakbo ng pahayagan, radyo at telebisyon. Dahil kay Marcos, Pilipino lang ang maaring lumahok sa mga negosyong ito. Naging abusado kasi ang mga dayuhan sa mga nasabing industriya.

Kahit binabatikos ng mga mag-aaral at guro sa Unibersidad ng Pilipinas o UP, marami pa ring napagawang mga gusali ang pamahalaang Marcos sa nasabing pamantasan. Sa UP Diliman pa lang, mabibilang na ang Asian Institute of Tourism, Film Center, Faculty Center (nasunog kamakailan), Computer Center, National Engineering Center, School of Economics, College of Business Administration, College of Law Library, atbp. Sa UP Manila, ipinatayo ni Marcos ang PGH annex (na binanggit kanina) upang gamitin ng UP College of Medicine.

Si Pangulong Marcos ang nagpatayo ng gusaling Batasang Pambansa sa Quezon City. Sa halip na bigyan ng karapat-dapat na karangalan si Marcos dahil sa pagpatayo niya ng Batasang Pambansa, wala man lang ni isang bulwagan o pasilyo sa nasabing gusali ang ipinangalan sa kanya. Sa kasalukuyan, ang mga bulwagan at pasilyo sa Batasang Pambansa ay ipinangalan sa ilang mga pulitikong kinalaban pa si Marcos.

Nakinabang din sa pamahalaan ni Pangulong Marcos ang mga Pilipinong Muslim. Ipinatatag ni Marcos ang Philippine Al-Amanah Bank para tulungan ang mga Pilipinong Muslim na nais mag-impok at umutang sa ilalim ng mga alituntunin sa Islam.

Si Pangulong Marcos ang naglagay ng Pilipinas sa mapa ng mga kilalang bansa sa buong daigdig. Nangyari ito dahil sa pagganap sa Pilipinas ng Beatles concert (1966); pagdalo sa Pilipinas ni Pope Paul VI (1970); Philippine International Chess Tournament (1973); Miss Universe Pageant (1974); Thrilla in Manila (Ali-Frazier heavyweight boxing championship bout, taong 1975); Karpov-Korchnoi World Chess Championship Match sa Baguio (1978); pagdalo ni Pope John Paul II sa Pilipinas (1981), atbp.

Kung natuloy ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) ni Pangulong Marcos, naging mura sana ang presyo ng kuryente sa buong Pilipinas dahil hindi na tayo kailangan pa umangkat ng petrolyo upang lumikha ng kuryente. Sa pamamagitan sana ng enerhiyang manggagaling sa atomika, naging abot-kaya sana ng pangkaraniwang tahanang Pilipino ang presyo ng kuryente simula pa nuong dekada 80.

Halimbawa, ang tahanang nagbabayad ng P1000 bawat buwan ngayon, ay magbabayad na lang ng P100 kung natuloy ang BNPP ni Marcos.

Hindi natuloy ang BNPP dahil sinarhan ito ni Corazon Aquino nuong siya ay naging pangulo. Dahil kay Aquino, ang kasalukuyang presyo ng kuryente sa Pilipinas ang pinakamahal sa buong Asya.

Si Pangulong Marcos din and nagtatag ng “oil price stabilization fund” (OPSF) upang hindi basta-basta na lang tumataas ang presyo ng gasolina sa Pilipinas. Maraming nakinabang dito, hanggang sa nang naging pangulo si Fidel Ramos.

Linansag ni Ramos ang OPSF ni Marcos. Dahil kay Ramos, walang magawa ang pamahalaan kapag nais taasan ng Petron, Shell at Chevron ang presyo ng gasolina. Yung mga opisyal ng pamahalaan na nagpayo kay Ramos na alisin ang OPSF ay kasalukuyang sumusuporta kina Robredo at Pangilinan.

Ayon kay BBM, dapat ibalik ang OPSF, at pag-aralan ng husto kung maari pang ipatakbo ng mabisa at ligtas ang BNPP.

Sabi rin ni BBM na kapag siya ay nahalal bilang pangulo sa Mayo 2022, itutuloy niya ang mga mabubuting ginawa ng kanyang ama, at ibabalik niya ang Pilipinas sa landas ng kaunlaran. Sa pangunguna ni BBM, sabay-sabay babangon muli ang mga Pilipino.

Kitang-kitang ang patoo na maraming nagawang kabutihan si Pangulong Marcos para sa Pilipinas. Nagsisinugaling ang mga nagsasabing masamang pangulo si Marcos.