Defensor

Mga kongresistang di pinalad sa halalan nagpaalam sa mga kasamahan sa Kamara

Mar Rodriguez May 31, 2022
228 Views

Defensor1

NAGPAALAM na ang ilang kongresista sa kanilang mga kasamahan sa Kamara de Representantes matapos ang ilan sa kanila ay hindi pinalad sa nakalipas na eleksiyon habang ang iba naman ay napaso na ang kanilang termino at naluklok sa ibang posisyon.

Sa pamamagitan ng kanilang “privilege speech” sa bulwagan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, isa-isang pinasalamatan ng mga papaalis na kongresista ang kanilang mga kasamahang mambabatas matapos ang ilang taong panunungkulan.

Isa sa mga kongresista na nagpaalam sa kaniyang mga kasamahan ay si Radio Host at ACT-CIS Party List Rep. Rowena “Nina” Taduran na nagsabing hindi nagtatapos sa Kongreso ang kaniyang serbisyo publiko kundi ito’y magpapatuloy bilang isang Radio Host.

“It was a rollercoaster ride. But I can humbly say I made it as a first termer,” sabi ni Taduran sa kaniyang talumpati.

Maging ang kapatid ng “Pambansang Kamao” at Sen. Manuel “Manny” Pacquiao na si Saranggani Rep. Rogelio Pacquiao ay nagbigay rin ng kaniyang pamamaalam matapos siyang manalo bilang gobernador ng Saranggani.

“The hard work, sincerity and passion of our House Members will forever serve as inspiration as I move on to the next chapter of my career as a public servant,” ayon kay Pacquiao.

Sa pamamagitan naman ng kaniyang Facebook Page, taos pusong pinasalamatan ni Quezon City Rep. Anthony Peter “Onyx” D. Crisologo ang lahat ng sumuporta sa kaniya at ang mamamayan ng Distrito Uno na pinaglingkuran nito ng tatlong taon bilang kinatawan.

“I would like to take this opportunity to thank you for being so supportive to all of us. This is a thank you to all who campaigned, to all volunteers, who joined our turn and made our campaign happy. Though we are unlucky, we will to help Quezon City people,” sabi ni Crisologo.

Sinabi ni Crisologo na nagdaos kamakailan ng “thanks giving party” ang Malayang Quezon City upang pasalamatan ang lahat ng mga sumuporta, naniwala at bumoto. Kabilang sa mga dumalo ay si QC Mayoralty AnaKalusugan Party List Rep. Michael “Mike” T. Defensor.