Suarez

Mga lider ng Kamara sinalag panawagan ni Baste kay PBBM

Mar Rodriguez Jan 29, 2024
151 Views

IPINAGTANGGOL ng mga lider ng Kamara de Representantes si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. laban sa panawagan ni Davao City Mayor Sebastian Duterte na magbitiw ito.

Ayon kay Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez walang basehan at maituturing na kawalang respeto ang panawagan ni Duterte na mistulang sinasabi na tamad at walang malasakit ang Pangulo sa bansa.

“Yung mga nabanggit sa Davao calling for his resignation I think is totally disrespectful, of the man given the position that he holds, and … has no basis whatsoever,” ani Suarez.

Sinabi ni Suarez na sa nagdaang dalawang taon ay nakita ng mga Pilipino ang sipag ni Pang. Marcos upang mapabuti ang kalagayan ng bansa matapos ang coronavirus pandemic.

“We have seen his commitment to the Filipino people, na hindi maaksaya ang tiwala na ipinagkaloob sa kanya nung siya ay manalo bilang Pangulo,” sabi ni Suarez.

Ayon kay Rizal 1st District Rep. Michael John Duavit bagamat inirerespeto nito ang opinyon ni Duterte ay hindi siya sang-ayon dito.

“Everybody’s got a right to an opinion, everybody’s got a right to express it. I’ll just express mine: I disagree, as simple as that,” ani Duavit.

Sinabi naman ni Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales, Jr. na hindi totoo ang mga sinabi ni Duterte.

“Ako naman po, ang masasabi ko lang, we have to respect the Office of the President. Saka nagtataka po kami bakit pinapa-resign si President BBM, wala po tayong basehan, napaka-sipag (ng Pangulo),” sabi ni Suarez.

Muli ring inulit ni Suarez ang pagsuporta ng Kamara kay Pang. Marcos.

“Inuulit ko ang commitment at suporta namin, it’s unequivocal for Pres. Ferdinand Romualdez Marcos,” dagdag pa ni Suarez.

Pinagtibay ng Kamara ang isang resolusyon na nagpapahayag ng pagsuporta kay Pang. Marcos sa sesyon nitong Lunes