Jil Bongalon

Mga lider ng Kamara suportado pagsasampa ng kaso vs China

93 Views

SUPORTADO ng mga lider ng Kamara de Representantes ang pagsasampa ng kaso ng gobyerno laban sa China kaugnay ng mga iligal nitong ginagawa sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ni Assistant Majority Leader at Ako Bicol Partylist Rep. Jil Bongalon na dapat lamang na igiiit ng Pilipinas ang pagmamay-ari nito sa WPS.

“I guess we are already tired in the diplomatic approach asking China to stop this and stop that. So, I guess this is a positive development on the part of the administration to collect pieces of evidence so that we can file a case against China,” ani Bongalon.

Pagpapatuloy pa nito, “Ito po ay pagpapahayag na hindi po tayo papayag sa anuman pong pambu-bully na ginagawa po ng isang mighty country katulad naman po ng Tsina. So, I guess this is a positive development on the administration wherein they’re leading our country in making a more credible and more decisive step in asserting our rights in the WPS.”

Ang pahayag ni Bongalon ay nag-ugat sa pahayag ng National Security Council (NSC) na nangangalap na ito ng ebidensya na gagamitin sa pagsasampa ng panibagong kaso laban sa China kaugnay ng mga iligal nitong aksyon sa WPS.

Ayon sa NSC, ang mga ebidensya na makakalap nito ay ipadadala sa Department of Justice (DoJ) at Office of the Solicitor General (OSG) para sa susunod na legal na hakbang na gagawin ng Pilipinas laban sa China.

Matatandaan na noong 2013 ay naghain ng reklamo ang Pilipinas laban sa China. Lumabas ang desisyon ng Arbitral Tribunal na nagbasura sa nine-dash line ng China at sinabi na ang WPS ay sa Pilipinas.

Iginiit naman ni Deputy Majority Leader at PBA Party-list Rep. Margarita “Atty. Migs” Nograles ang kahalagahan ng mga ebidensya sa pagtugon sa gagawing aksyon kaugnay ng isyu ng WPS.

“Even with the arbitral ruling alam naman po natin at ng buong mundo na we are on the right and with this development before nga naman filing any cases you really need to have proof and a lot of pieces of evidence,” ani Nograles.

“Hindi naman pwedeng basta-basta at nakikita naman natin na we do not fight violence with violence. Itong mga pambu-bully na ginagawa sa atin we will defend ourselves pero sa tamang pamamaraan,” dagdag pa nito.

Para naman kay Assistant Majority Leader at Manila 1st District Rep. Ernesto “Ernix” Dionisio Jr. “Any evidence that will help our case against the bullying country ay makatutulong po sa ating paglalaban sa ating soberenya.”

“Tuwang-tuwa lang ako kay Presidente at lahat ng moves ng mga iba-ibang ahensya ng ating pamahalaan is synchronizing all its efforts para malabanan natin ang bullying galing sa ibang bansa,” saad pa ni Dionisio.