BBM2

Mga magsasaka ng sibuyas tutulungan upang dumami ani

210 Views

TUTULUNGAN ng gobyerno ang mga magsasaka ng sibuyas upang dumami ang kanilang ani, ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sa pagdami ng ani ng mga lokal na magsasaka, sinabi ni Marcos na inaasahan na bababa ang presyo nito.

Palalawakin din umano ang mga lupa na gagamitin para sa pagtatanim ng sibuyas.

“And secondly, we will help by – the DA (Department of Agriculture) will help by providing inputs. So the first part of that is we are going to the seed producers so that they will produce good seed that we can give to the farmers at some point. Iyon ang kanilang gamitin as inputs. And all that what they need,” sabi ng Pangulo.

Inaasahan ng Department of Agriculture (DA) na bababa na ang presyo ng sibuyas ngayong mag-aanihan na at papasok ang mahigit 5,000 metriko tonelada na inangkat sa ibang bansa.

Ayon pa sa Pangulo ang kawalan ng cold chain storage ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi naiimbak ng mga magsasaka ang kanilang mga ani at nakakaapekto ito sa presyo ng sibuyas.

“We need more cold storage, we need a better, stronger cold chain para ma-maintain naman natin, ma-preserve naman natin ‘yung agricultural products,” punto pa ng Pangulo.

Upang pansamantalang maibsan ang pasanin ng publiko, nagbenta ng mas murang sibuyas sa mga Kadiwa Center ng gobyerno noong kasagsagan ng kamahalan ng presyo nito.