BBM1 Makikitang namimigay ng ayuda si Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. sa mga magsasaka at mangingisda sa Oval Surigao Del Sur Complex, Hunyo 20, 2024. Kuha n iYUMMIE DINGDING / PPA POOL

Mga magsasaska sa Caraga nakatanggap ng P60M ayuda mula kay PBBM

Chona Yu Jun 20, 2024
96 Views

BBM2BBM3BBM4AABOT sa P60 milyong halaga ng ayuda ang ipinamahagi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa may 12,000 na mga magsasaka, mangingisda at mga pamilyang naapektuhan ng El Niño sa Caraga region.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa Surigao del Sur Sports Complex sa Tandag City, ipinangako nitong gagawing produktibo ang rehiyon.

Binubuo ang Caraga region ng limang probinsya ng Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte, at Surigao del Sur.

“Gayun pa man, batid ko ang matinding [dinanas] ninyong hirap nitong nagdaang El Niño. Halos labing-dalawang libong magsasaka dito sa Region 13 [ang] naapektuhan,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Hinding-hindi namin [nakalilimutan] ang ating mga kababayan dito sa Surigao del Sur. Kaya po narito kami para personal na ipahatid ang tulong mula sa pamahalaan,” dagdag ni Pangulong Marcos..

Binigyan ng tig-P10,000 ang may 9,195 benepisyaryo.

Galing ang pondo sa Ayuda sa Kapos ang Kita (AKAP) program ng Department of Social Welfare and Development at tig P10,000 naman mula sa Office of the President.

“Ito pong tulong na ito ay ipamamahagi namin sa inyong mga lokal na pamahalaan upang maiparating sa inyo. Ang DA, ang Department of Agriculture, at saka ang DSWD ay tutulong po na matiyak na agaran itong makaabot sa inyo. Sa kabuuan ay mahigit na animnapung milyong piso ang inilaan natin para sa Agusan del Sur at sa Surigao del Sur,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Namahagi rin si Speaker Martin Romualdez ng tig limang kilo ng bigas sa mga benepisyaryo.

“Mamamahagi din po [ng] [tig-limang] kilong bigas ang office naman ng Speaker of the House of Representatives, Speaker Martin Romualdez,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Namahagi rin ng tulong ang Department of Agriculture, TESDA, Department of Labor and Employment at iba pa.