Marites Lang

Mga Makabuluhang Kabuhayan Packages

Marites Lang Jun 20, 2022
267 Views

Sa kalagitnaan ng taong 2022, inaasahan sana natin na bumabalik na ang sense of normalcy sa ating mga buhay at buhayan kasi ang pandemic alert level 1 na ang ipinatutupad sa ating bansa.

Madami ng mga nakabukas na establishments. Meron ng gastronomic treats at palate delight restaurants. Okey na sana at me beach gimmicks na… sana happy na tayo pero biglang tumaas naman ang presyo ng gasoline. Salamat sa Russia-Ukraine tension naging malagim ang signs of the foreboding. Astronomic increase sa mga presyo ng petroleum products e hindi naman tayo don umaangkat ng mga produktong yan. Antaas din ng kuryente bill Teh! Feeling the crunch na sina Manong at Manang, si Dong at Inday nagkaka peleges na sa pagbudget ng groceries at palengke, sina Ate at Kuya naman ay nabigla sa pamasahe punta sa eskwelehan kasi face to face na ang school nila.

Pero dapat kahit me challenges man, alamin natin kung paano harapin itong mga problemang ito. Sa masusing pagtingin sa ating sitwasyon, may report ang Department of Trade and Industry (DTI) na sa 957,620 registered businesses in the Philippines. Sa daming ito ng mga negosyo sa ating bansa, 99% ay Small and Medium Enterprises (SMEs), E-commerce sites, mobile apps services at iba pang online marketplaces ang bumubuo dito. Mukhang itong mga huling nabanggit ang may kakayahang manatiling nakatayo kahit me crisis man, syempre yung ibang mga giant businesses ay matibay naman kahit labor intensive yung kanilang kompanya.

Bakit kaya lumalakas ang e-commerce ngayon? Unang una, ang consumer behavior ay nagbago kasi ay nag lockdown tapos ay hybrid ang work arrangements ngayon mostly. Halos lahat pati pagkain ay inoorder online. Pagalingan magbenta ng damit, medyas, groceries, chef prepared food, kahit eyelashes at bedsheets ay online binibili. Magaling ang Globe at nagmarket ng gcash para hindi ma-reveal ang mga credit cards sa online purchase. Kahit mga services ay online ang marketing. Hindi na joke ang Dijay-tal universe.

Ang health services na in demand sa mga panahong ito ay dijay-tal din mostly. Bago makalabas ng bansa ay kailangan ng RT PCR test. Online ang pagbook nito. Ang pag book ng iba pang health solutions kahit pag order ng gamot sa botika. Eto na nga ang umpisa ng New Normal.

Sa madaling pagsalansan ng mga bagay bagay, ang digital marketing, online bookings o ang Internet of Things (IoT) ang bumabanderang kabuhayan package ngayon. A few clicks are better and cheaper than setting up a brick-and-mortar store. Bukod sa cyber universe, ang delivery services ay maganda din ang potensyal. At ang mga delivery personnel at riders ay mas maganda ang mga prospects pero dapat magsuob muna at maligo ng may asin na may mga dahon bago matulog.

Ang isa pang magandang negosyo ngayon ay ang pet supplies store at veterinary services. Yan ay magandang negosyo at feeling ko ay malapit ng pumasok sa cyber universe.

At dahil mostly ay nasa bahay ang mga tao ngayon dahil sa hybrid work arrangements, uso ngayon ang house repairs and maintenance. Eto ay hindi pwedeng virtual, cyber at dijay-tal. Pero ang umpisa nito ay dijaytal din mostly ang presentation. May 3D rendering at talagang tech-ie na din ang uso sa linyang ito.

Ang mga 24/7 convenience stores na may cooked food at vending machines ay may potential din na negosyo. May siguradong kita o income dahil lahat ng tao ay may need for common food and drinks. Eto ay dapat sa tamang lugar inilalagay. Hindi rin labor intensive ito. Subalit medyo may capital dapat sa linyang ito. Ideal ito sa mga retirees.

Ilan lamang sa mga makabuluhang kabuhayan package ang aking binanggit. Kahit ganito ang sitwasyon natin hindi masamang maghanap ng pagkakakitaan ngayon. Mag umpisa na tayong maghanap buhay kahit may mga pagsubok na dinadaanan. May feeling ako sa mga naging galaw ng ating bagong halal na Pangulo BBM na siya ay seryosong asikasuhin ang ekonomiya kaya dapat tayo ay maghanap na ng feel natin na kabuhayan package. Remember, the best is yet to come.