Vic Reyes

Mga mapinsalang kritiko ng administrasyon kailangang turuan ng leksyon

Vic Reyes May 21, 2025
14 Views

MAPAGPALANG araw sa ating mga suki, lalo na sa mga kababayan natin sa Japan, Oman, Saudi Arabia, at ibang panig ng mundo.

Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Mama Aki ng Ihawan, La Dy Pinky, Patricia Coronel, Roana San Jose, Endo Yumi, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at syempre ang patuloy na nakaalalay sa mga kababayan nating Filipino sa Japan na si Hiroshi Katsumata.

Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Dolores Monfero, Delia Sunga ng Saudi Arabia.

Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.

God Bless!

Para sa inyong komento at pagbati, mag-text sa # +63 9178624484/email: [email protected].

Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

****

May mga taong tunay na nagmamalasakit kay Pangulong Marcos.

Ito’y pinangungunahan ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at mga kasama sa Kongreso.

Kaya nga hanggang ngayon ay full support pa rin ang House of Representatives sa mga programa at proyekto ng administrasyon.

Kung may paglabag sa mga batas natin, kailangang kasuhan sa korte.

Pero huwag natin gayahin ang ginawa ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte.

Noong drug war ni Duterte ay hindi hinuli ang mga pinagsususpetsahang drug pusher at drug addict.

Pinalabas na sila’y lumaban kaya sila pinatay.

‘Yan ang dahilan kung bakit nakakulong ngayon si Duterte sa detention facility ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague.

Nahaharap siya sa kasong“crimes against humanity.”

Kung ma-convict siya sa mga kasong ito ay mabubulok siya sa detention facility ng ICC.

Habang nililitis si Duterte sa ICC ay kailangang turuan ng leksyon ang mga mapaminsalang kritiko ng administrasyon.

Okay lang ang maging kritiko ng administrasyon kung nasa tamang lugar.

****

Inuulit natin. Walang pakialam ang ibang kasong kinakaharap ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte,

Ang mga kaso sa ICC ay isinampa ng libu-libong Pinoy na karamihan ay mga kamag-anak ng mga napatay sa madugong drug war ni Duterte.

Ang ICC ay nagsisilbing husgado kasi wala silang nakuhang hustisya noong nasa Malakanyang si Duterte.

Sa tingin natin ay dapat tulungan ng gobyerno ang mga biktimang ito kahit na hindi na tayo miyembro ng ICC.

Hindi makatarungan kung ipagwalang bahala ang nga kaso dahil umalis na nga tayo sa ICC.

Huwag natin kalimutan na ang mga pribadong abogado ng mga biktima ay “pro-bono” ang serbisyo.

Ang akala ng marami ay hindi Pilipino ang kalaban ni Duterte sa ICC.

Karamihan ng mga biktima ng drug war ni Duterte ay inosente at mga mahihirap na nakatita sa depressed areas sa bansa, kasama na ang Metro Manila.