dong gonzales

Mga miyembro ng Kamara tuloy sa pagtatrabaho kahit na recess

Mar Rodriguez Oct 20, 2023
170 Views

GAYA ng bilin ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, tuloy-tuloy sa pagtatrabaho ang mga kongresista kahit na naka-break ang Kongreso.

Ngayong Lunes ay pumunta sina Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Laguna Rep. Dan Fernandez, Patrol Party-list Rep. Jorge Bustos, at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, ang chairman ng House Committee on Dangerous Drugs sa Cavite upang saksihan ang ginawang pagsunog sa may P6 bilyong halaga ng iligal na droga na nasa kustodiya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

“Our presence there was part of our job as House members who are looking into recent drug confiscations and the trade in illegal drugs in general upon the instruction of Speaker Martin Romualdez,” ani Gonzales.

“Our inquiry is in consonance with the bloodless anti-drug campaign of President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., which has so far netted more than P30 billion worth of illegal substances,” dagdag pa ni Gonzales.

Iniimbestigahan ng komite ni Barbers ang nakumpiskang P3.6 bilyong halaga ng shabu sa isang warehouse sa Barangay San Jose Malino, Mexico, Pampanga, at ang shabu extender na nakuha sa isang abandonadong sasakyan sa parking lot ng isang supermarket sa Mabalacat City, Pampanga.

Ayon sa PDEA kasama sa sinunog ang 274 kilo ng shabu na nakumpiska sa Manila International Container Port noong Oktobre 6 at ang 208 kilo ng shabu extender na narekober sa Mabalacat City.

Sinunog umano ang mga ito dahil hindi na kailangan bilang mga ebidensya.

Hindi naman sinunog ang 530 kilo ng shabu na nakuha sa warehouse sa Barangay San Jose Malino dahil hindi pa umano tapos ang isinasagawang imbestigasyon dito.

Ipinatawag ng komite ni Barbers ang negosyanteng si Willy Ong na siyang may-ari ng warehouse sa Barangay San Jose Malino sa susunod na pagdinig nito.

Pinatitiyak naman ni Barbers sa PDEA na malakas ang kasong isinampa nito laban sa mga nagpasok ng ipinagbabawal na gamot sa bansa.

“All our efforts will be in vain if the cases filed in court will result in dismissals and the suspects set free due to some technicality or bungling. We have to make sure that our cases are air-tight so that the culprits are put behind bars for good thus ensuring a safer society and saving our youth and all citizens from this menace,” sabi ni Barbers.

Tiniyak naman ni Barbers na suportado ng Kongreso ang mga law enforcement agency sa kanilang kampanya laban sa iligal na droga.