Martin

Mga miyembro ng Lakas-CMD patuloy sa pagdami

188 Views

Martin1

LUMOBO na sa 64 ang bilang ng mga miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) sa Kamara de Representantes.

Ito ay matapos na manumpa kay Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez sina Reps. Isidro Ungab at Vincent Garcia ng ikatlo at ikalawang distrito ng Davao City, Alan Dujali ng ikalawang distrito ng Davao del Norte, at Josefina Tallado ng unang distrito ng Camarines Norte.

Nanumpa rin si Maguindanao Rep. Dimple Mastura upang gawing pormal ang kanyang pag-anib sa Lakas-CMD.

Ikinatuwa ni Romualdez, ang inaasahang magiging Speaker ng 19th Congress, ang patuloy na paglaki ng kanilang partido.

“We await with great expectations opportunities for engaging and bonding with them and the rest of our membership. We hope they will have an enjoyable and fruitful engagement with us,” sabi ni Romualdez.

Si Romualdez ang pangulo ng Lakas-CMD.

Muling iginiit ni Romualdez ang 100 porsyentong pagsuporta ng Lakas-CMD sa legislative at unity agenda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sinaksihan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte Carpio ang panunumpa ng mga bagong miyembro sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Maynila ngayong Martes, Hulyo 19.

Si Carpio ang co-chairperson ng Lakas-CMD.

Nauna rito ay nanumpa rin bilang miyembro ng Lakas-CMD sina Reps. Joey Sarte Salceda ng Albay, Rachel Arenas ng Pangasinan, Paul Ian Dy ng Isabela, Maria Vanessa Aumentao ng Bohol, at Claude Bautista ng Davao Occidental.