Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Martin COURTESY CALL – Inihayag ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang dedikasyon ng House of Representatives na suportahan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa courtesy call ng 17 generals at senior flag officers sa Speaker’s Office. Tiniyak ni Speaker Romualdez ang patuloy na suporta para sa mga inisyatibong naglalayong itaas ang antas ng pamumuhay ng mga sundalo, kabilang ang kanyang panukala para sa dagdag na P350 arawang subsistence allowance. Kuha ni VER NOVENO

Mga opisyal ng AFP nag-courtesy call kay Speaker Romualdez

Mar Rodriguez Dec 3, 2024
79 Views

ALINSUNOD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na susuportahan ng Kamara de Representantes ang Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ginawa ni Speaker Romualdez ang pagtiyak sa courtesy call ng 17 generals at senior flag officers sa Speaker’s Office sa Kamara de Representantes.

Kasama sa mga nag-courtesy call, na tinukoy ni Camiguin Rep. Jurdin Jesus “JJ” Romualdo, ay mga top-ranking na opisyal ng AFP. Pinag-usapan sa pagtitipon ang mga prayoridad at hamong kinakaharap ng militar.

Sa kanyang talumpati, iginiit ni Speaker Romualdez ang kahalagahan na mapaglaanan ng sapat na pondo ang AFP upang magampanan nito ang kanilang mandato na pangalagaan ang seguridad ng bansa at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan.

Makakaasa rin aniya ang mga opisyal sa kaniyang buong suporta sa mga hakbang na nagpapahusay sa kalagayan ng mga militar, kabilang ang kanyang panukala na magdagdag ng P350 daily allowance para sa mga sundalo bilang bahagi ng pangako ng administrasyong Marcos na pagbutihin ang kalagayan ng buhay ng mga kawal ng Pilipinas.

“Our soldiers are the backbone of our nation’s security and defense. We must ensure they have the resources they need to serve with honor and dedication,” ayon kay Speaker Romualdez.

“The House of Representatives will continue to work closely with the AFP leadership to address pressing concerns, including adequate funding for operations, modernization efforts, and the welfare of our men and women in uniform,” saad pa ng pinuno ng Kamara.

Nagpasalamat naman ang delegasyon ng AFP sa maagap na mga hakbang ni Speaker sa pagsusulong ng mga panukalang batas na sumusuporta sa militar, lalo na sa pagtutok sa sapat na alokasyon ng pondo para sa modernization program at mga hakbang para sa kapakanan ng mga sundalo.

“We are very happy na binigyan kami ng time ng ating honorable congressmen led by the Speaker of the House, Congressman Martin Romualdez. We are delighted that he spent a precious time for us to meet the newly-promoted generals and flag ranks of the Armed Forces of the Philippines,” ayon kay Lt. Gen. Jimmy D. Larida, commander ng Southern Luzon Command (SolCom).

“The Speaker of the House reiterated the commitment, and on behalf of our Chief of Staff, Gen. Romeo S. Brawner Jr., and the entire grateful members of the Armed Forces of the Philippines, we are very, very thankful sa confirmation na ibinigay po sa atin ng Speaker ng House, that they will provide the promised increase of our subsistence allowance,” saad pa ni Larida.

“The Speaker also reiterated the House of Representatives’ commitment to the modernization program of the Armed Forces of the Philippines. Maraming salamat po sa ating Speaker of the House and again, on behalf of the Chief of Staff of the Armed Forces of the Philippines, we always remain loyal to our Constitution,” dagdag pa ng opisyal.

Ang iba pang nag-courtesy call ay sina Lt. Gen. Augustine S. Malinit, AFP inspector general; Rear Adm. Jose Ma. Ambrosio E. Ezpeleta, ang bagong Philippine Navy chief; Rear Adm. Alan M. Javier, ang hepe ng naval staff; Maj. Gen. Adonis Ariel G. Orio, ang bagong 8th Infantry (Storm Troopers) Division chief, at iba pa.

Kasama rin sa ginanap na pulong ang iba pang mga pinuno ng Kamara na sina House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, Deputy Speaker David “Jay-Jay” Suarez, Senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander A. Marcos, Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, Cavite Rep. Lani Mercado Revilla, 1-Pacman Party-list Rep. Mikee Romero, Pangasinan Rep. Ramon Guico Jr. at iba pa.

Binigyang-diin din ni Speaker Romualdez ang pangangailangang pabilisin ang pagpapatupad ng mga programang naglalayong itaas ang moral ng mga sundalo, lalo na ang mga naka-deploy sa mga malalayo at mapanganib na lugar.

Tiniyak niya sa mga opisyal na ang ipinapanukalang badyet para sa 2025 ay may mga probisyon upang tugunan ang mga pangangailangang ito.

Bilang bahagi ng pulong, sinabi rin ng mga opisyal ang operational priorities ng AFP kabilang na ang update sa disaster response, counter-insurgency operations, at ang pagpapatupad ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) upang asistehan ang mga dating rebelde na muling mag-integrate sa lipunan.

Sa pagtatapos ng pulong, muling sinabi ni Speaker Romualdez ang kaniyang pagkilala at buong suporta sa mga pagsisikap ng AFP at nanawagan sa Kongreso nang pakikipagtulungan upang matiyak ang tagumpay ng militar sa kanilang mahalagang misyon para sa bansa.