Bgy 735 Nagsagawa ng malawakang paglilinis ang mga opisyal ng Brgy. 735, Zone 80 sa Malate, Manila bilang paghahanda sa tag ulan. Kuha ni JonJon Reyes

Mga opisyal ng Bgy 735 naglinis ng kanal, estero vs baha, dengue

Jon-jon Reyes Sep 13, 2024
16 Views

NAGLINIS ng kanal at estero ang mga opisyal ng Barangay 735, Zone 80, District 5, Malate, Manila para makaiwas sa pagbaha, dengue at iba pang sakit ang mga residente noong Biyernes.

Kumilos ang mga opisyal ng barangay matapos iutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na patuloy na maglinis lalo na ngayon na panahon ng tag ulan.

Inatasan ni Punong Barangay Alfredo Tan ang kanyang mga kagawad na magsagawa ng clearing operation sa mga kanal at estero.

Sinunod nina Kagawad Jon Jon Reyes, Melchor Nava, Rijed Buenazedacruz, Alfredo Tan Jr., Joemar Sualog, Ryan Lugos at Jomarie Vicente ang utos.

Pagsuporta ang cleanup drive sa ginanap na 28th National Urban Pest Control Zero Waste, Zero Pest Control Week Fight the Bite Joint Nationwide Dengue Prevention Control campaign.