Paris

Mga PH atleta sa Paris Olympics panalo na sa puso ng mga Pinoy! — Speaker Romualdez

112 Views

PANALO na umano sa puso ng mga Pilipino ang 22 atleta na kumakatawan sa Pilipinas sa 2024 Paris Olympics.

“Let me address our athletes and say that you are all winners in the hearts and minds of every Filipino watching the Paris Olympics today. Ipinagmamalaki namin kayo at nagpapasalamat sa inyong pakikipagtagisan ng galing laban sa pinakamagagaling na atleta sa buong mundo,” ani Speaker Romualdez.

“Your stories of sacrifice and triumph serve as powerful reminders to all hopeful Filipinos of what can be accomplished when one pushes their limits. As you compete, know that your entire nation stands behind you, cheering for your success and celebrating your journey,” dagdag pa ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 miyembro.

Umaasa ang koponan ng Pilipinas na matumbasan o kaya’y mahigitan ang naging performance noong 2021 Tokyo Olympics, kung saan 14 na medalya ang nasungkit ng mga Pilipinong manlalaro kabilang ang makasaysayan at kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas na nakuha ni Hidilyn Diaz sa 55kg category sa weightlifting.

Ani Speaker Romualdez, buo ang suporta ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa paglalakbay ng mga atletang Pinoy sa Olympics.

“At the House of Representatives, we remain committed to supporting Filipino athletes, recognizing the immense potential and talent that our athletes possess, and we are dedicated to providing the necessary resources and support to help you excel on the world stage,” sabi ng mambabatas na kinatawan ng unang distrito ng Leyte.

“Hindi lamang karangalan at papuri ang hatid ng atletang Pinoy sa ating mga kababayan sa buong mundo, dala din nila ang inspirasyon sa bawat kabataang Pilipino na nais magpunyagi at sumabak sa pandaigdigang laban sa palakasan,” saad pa niya.

Bagamat hindi nakapasok sa Paris Olympics si Diaz, kasama sa delegasyon ngayon ang iba pang Tokyo medalist na sina Eumir Marcial (bronze, Tokyo), Nesthy Petecio (silver, Tokyo) at Carlo Paalam (silver, Tokyo) na pawang mga boksingero.

Kasama rin sa world-class athletes ang gymnast na si Carlos Edriel Yulo, pole vaulter EJ Obiena, rower Joanie Delgaco, boxers na sina Aira Villegas at Hergie Bacyadan, hurdlers na sina Lauren Hoffman at John Cabang Tolentino, Kayla Sanchez at Jarrod Hatch na pawang swimmers, gymnast na si Aleah Finnegan, fencer na si Samantha Catantan, at 15 iba pa.

“You carry with you the hopes and dreams of an entire nation, and we are confident that you will represent the Philippines with honor and dignity. We look forward to celebrating your successes in Paris! Mabuhay ang atletang Pilipino!” saad pa ni Speaker Romualdez.