NBI bumira, 5 suspek sa paniniktik tiklo
Feb 25, 2025
Legarda naaalarma sa pagdami ng kaso ng dengue sa PH
Feb 25, 2025
PNP pinatindi kampanya vs illegal POGOs
Feb 25, 2025
BARMM polls security meet dinaluhan ng PNP chief
Feb 25, 2025
Calendar

Overseas Filipino Workers
Mga Pinoy sa Russia pinag-iingat
Neil Louis Tayo
Jun 25, 2023
193
Views
NAGLABAS ng anunsyo ang Philippine Embassy sa Moscow ang pinag-iingat ang mga Pilipinong naroon sa gitna ng napaulat na rebelyon ng isang pribadong mercenary group.
Ang anunsyo ay ipinost ng Embahada sa kanilang Facebook page.
Nagbabala rin ang Embahada sa mga Pilipino na huwag bumisita sa mga matataong lugar o sumali sa mga protesta at lantarang magpahayag ng kanilang saloobin.
Nanawagan din ang Embahada sa mga Pilipino na nasa Rostov-on-Don, Belgorod, at iba pang lugar sa Ukraine-Russia border na ipabatid sa kanila ang sitwasyon ng mga ito.
Ayon kay Philippine Ambassador to Russia Igor Bailen mayroong 10,000 Pilipino sa Russia.
Ayon kay mercenary chief Yevgeny Prigozhin nakubkob na ng kanilang grupo ang Rostov-on-Don, isang siyudad sa Russia.