Marites Lang

Mga Prayoridad ng Pangulo

Marites Lang Jul 2, 2022
315 Views

Kahapon ay halos huminto ang oras sa ating panonood sa mahal nating Pangulo at pinuno sa kanyang proklamasyon at panunumpa sa tungkulin. Merong ibang medyo teary eyed sa tuwa sa dahilang parang imposibleng nalagpasan ng ating Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. o BBM kasama tayong sumuporta sa kanya, ang masikip, maigting at masalimuot na landas patungo sa pagkapanalo sa eleksyon. Ang panalo niya ay panalo nating lahat at tama naman siya na ito ay isipin natin na historic moment for having delivered the biggest electoral mandate in Philippine history.

It was high noon and the rain was gone. The heat of the sun seems to be celebrating with the winning team, the UNITY team on that special occasion. Ang mga aning aning lang ang ayaw intindihin na sa landslide na panalo at sa dami ng bumoto, nagtiwala at nagbigay ng mandato sa ating inihalal na pinuno, pwede ba magtigil na kayo sa pag-type ng mga bitter-bitteran na hirit sa mga comments sa FB? Vox Populi Vox Dei nga at hindi porke mas hot ang lippy mo at mas mahaba ang kuko mo ay pwede mo idisregard ito Teh. Mahihirapan kayo mag palitada ng pundasyon para alugin ang gobyerno ha… landslide ang win kaya umayos kayo.

Anyway kaya hanga tayo sa ating Sir BBM (na may kasamang saludo) ay naaasar tayo sa kababasa ng mga off tangent na comments sa fb live at mga posts, eh si Maginoong Pangulo natin biglang bumitaw ng salitang “…By your vote, you rejected the politics of division. I offended none of my rivals in the campaign…” at ang sabeh ay imbes nakisali sa mga natangay ng bugso ng damdamin, siya po ay nakiramdam, nakinig at nagisip ng mga hinihingi ng taong bayan. Yung mga kailangang ayusin sa ating bansa ang kanyang pinagtuunan ng pansin. Bukod sa maginoo, kalmante at maayos ang kanyang pag tanggap sa mga sinasabi ng mga katunggali, what cuts him above the rest is his wisdom. Like a sage he sees the future with a brighter perspective. Di na tayo magtataka kung bakit kinatigan ng kapalaran ang ating mahal na pinuno, di ba nga?

Malumanay na sinabi niya na kailangang maging mas matibay tayo at mas marunong magdala ng mga haharaping pagsubok sa parating na mga araw tulad ng mga suliraning dala ng pandemya sa buong mundo, as in sa planet earth. Bukod pa sa tension sa Ukraine na nakaapekto sa ekonomiya ng earth. Tunay yun kasi stronger resilience at pagalingang mag stretch ng budget dahil 45 to 1US$ na ang exchange rate Teh! Sakit sa bangs ang presyo ng bilihin at ng gasoline. Paano kaya yung binibili kong inihaw na liempo? Mahal na ang gasul na pangsiga sa uling na ginagawa nila sa tindahan nila…Yaaaaayyy kakalokah! Tataas lahat siguro pati ang damit ng mga bida sa Tiktok.

Subalit dahil sabi ni Sir BBM ay priority niya ang food security, economic transformation at recovery kaya napabuntong hininga ang lola nyo. Hokey po… inhale exhale muna tayo…

At habang nagtatrabaho ang processor ng brain natin isipin natin ang socio demographics ng ating bansa. Di tayo nanggagatong, nagiging scientific lamang po. Ang Pilipinas ay may 110Million people at 30% nito ay 0 to 14years old. Ang babata pa ng populasyon natin ngayon. 65% naman ay 15years old to 64years old. Madami sa mga populasyon ay nasa mga cities o syudad kaya me tinatawag na urban sprawl dito sa atin. Ang akala ng mga tao ang pagkain ay nasa syudad. Subalit dahil sabi ng Sir BBM natin ay aayusin ang mga binanggit na priorities at may kadugtong pa na infrastructure at transportation, parang swak ang mga solusyon ng ating Mahal na Pangulo. Mabubuhay kahit sa probinsya ang mga tao pag nailatag na ang mga programang may kinalaman sa kanyang vision.

Malayo tayo sa kinahinatnan ng ibang bansa na pagkagutom kung maiaayos agad ang mga proyektong ito at sana naman ay maisakatuparan the soonest time. Ang kailangan nating gawin ay magdasal. Manalangin tayo na katigang muli ng magandang swerte ang ating Mahal na Pangulo para maiahon niya ang ating ekonomiya at bansa sa mga threats na hinaharap natin. Sa unang mga araw niya sa pagka Pangulo we can pray for him and wish him the best but things will be better if we can contribute in the manner that we know to make this nation a better place for all of us.

Yung mga kritiko na aliens na porke nabuko na hindi sila mga Pilipino ay mas malakas pa sumigaw ng kung ano ano at puro fake news ang alam, kung ayaw nyo tumulong beke nemen pwede tumantan na kayo ng kakapanira ng gobyerno?? Subersibo kayo kahit naka false eyelashes kayo noh! Bawal sa batas yan kayo din…