Tubig

Mga residente pinag-ingat matapos magpakawalaa ng tubig Ambuklao, Binga, Magat Dams

8 Views

NAGPAKAWALA ng tubig ang Ambuklao, Binga at Magat dam noong Linggo ng tanghali dahil sa mga pag-ulan dala ng bagyong Julian.

Batay sa abiso ng Pagasa Hydrometeorology division, isang gate ang binuksan sa Ambuklao dam upang magpakawala ng tubig ng hanggang 33 cubic meters per second (CMS).

Ang Binga dam naman nagpapakawala ng 38 CMS at 165 CMS sa Magat dam

Ayon sa Pagasa, dahil sa pagpapakawala ng tubig ng Ambuklao dam, posibleng maapektuhan ang Brgy. Ambuklao sa Bokod, Benguet.

Maapektuhan din ng Binga Dam ang Brgy. Dalupirip at Tinongdan sa Itogon Benguet sa pagpapakawala nito ng tubig.

Kaugnay nito, pinag-iingat ang mga residente sa ilang munisipalidad sa Isabela, partikular sa Alfonso Lista (Ifugao), Ramon, San Mateo, Aurora, Cabatuan, Luna, Reina Mercedes, Burgos, Naguillan at Gamu dahil sa pagpapakawala ng tubig ng Magat dam.